Kabayaran sa danyos sa bangka ng Pinoy fishermen na binangga noon ng Chinese boat, muling igigiit

Imahe mula sa PCG
  • Muling igigiit ng pamahalaan ang kabayaran para sa fishing boat ng mga Pinoy na binangga ng isang Chinese vessel
  • Aminado ang Chinese government na ang private company na may-ari ng Chinese boat na bumangga ang may kasalanan
  • Tutukuyin pa ng Department of Justice kung sino ang dapat tumanggap ng kabayaran – ang mga mangingisda o ang kumpanyang may-ari ng Gem-Vir fishing boat

Isang taon na ang nakalilipas mula nang banggain ng isang Chinese boat ang bangka ng mga mangingisda mula sa Mindoro ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nababayaran ang danyos sa Gem-Vir fishing boat.

Imahe mula sa PCG

Sa isang panayam ay itinanong kay Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Jr. ang tungkol sa kabayaran na dapat ibigay sa mga Pinoy fishermen na naperwisyo nang mawasak ang kanilang bangka nang maganap ang banggaan sa Recto Bank na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi ni Sec. Locsin na aminado ang Chinese government na kasalanan ng Chinese vessel ang nangyari. Aniya, ipapaalala niya ito sa China.

“China has responded, they have said that it is the fault of the Chinese vessel and the question is the damages. And now that you mentioned it, okay,  I’ll bring it up again,” ani Sec. Locsin.

Nilinaw ng kalihim na hindi ang Chinese government ang nakagawa ng pinsala kundi isang Chinese boat na pagmamay-ari ng isang private company.

Ayon kay Sec. Locsin, ang Department of Justice ang magsasabi kung magkano ang dapat na kabayaran sa pinsala.

Public Domain image

“We did separate investigation, the two countries, and we had the same conclusion that the Chinese vessel was at fault, and the compensation is still to be determined by the Justice department,” aniya.

Mahirap daw tukuyin kung sino ba ang dapat tumanggap ng bayad – ang mga mangingingisda ba o ang kumpanyang may-ari ng Gem-Vir fishing boat?

“I would say it is hard to determine. The boat was owned by a company. Do you give the money to the company or the fishermen? But I have tremendous confidence with the Secretary that he will come up an amount very soon,” sabi ni Locsin.

Ang insidente ng banggaan ay naganap noong Hunyo ng nakaraang taon. Ang mga mangingisdang Pilipino ay sinagip ng isang Vietnamese fishing boat na napadaan sa lugar ng pinangyarihan.

Imahe mula sa PCG

Loading…