Kakaibang disenyo ng bahay na mayroong slide sa tabi ng hagdan, umani ng iba’t ibang reaksiyon online

  • Trending sa social media ang isang bahay na mayroong kakaibang disenyo sa may hagdanan
  • Sa tabi kasi ng hagdan, mayroong slide na alinsunod umano sa utos ng may-ari na gawing fun ang vibe ng bahay
  • Iba-iba naman ang reaksiyon ng mga netizen sa nasabing kakaibang paandar sa pagdidisenyo ng bahay

Lahat tayo ay mayroong nais na maging disenyo ng ating dream house. May budget man ngayon o wala, siguradong mayroong planong nabuo na sa iyong isip at hinihintay na lamang ang tamang pagkakataon upang maisagawa ito at makita ang bunga ng kanilang pagkamalikhain at siyempre, ng pagpupursigi upang maipatayo ang tahanang inaasam.

At kung hindi pa kompleto ang ideya sa iyong isip, baka maaari mong ikonsidera ang isang trending na larawan na nagpapakita ng kakaibang disenyo ng isang bahay. In-upload ng Facebook page na Arch Capitol – Architectural Design Studio ang isang ‘fun’ pero kapaki-pakinabang na konsepto ng isang house design.

Larawan mula sa Erika Duarte Arquiterctura

Sa larawan, makikita ang isang hagdan na yari sa kahoy. Pero hindi ito ang kapansin-pansin dahil sa tabi nito ay makikita ang isang slide na gawa sa metal. Hindi pang-theme park ang disenyo at hindi rin isang children’s playhouse kung hindi legit na disensyo ng bahay.

Ayon sa caption, gawa ito ng Erika Duarte Arquiterctura at alinsunod raw ito sa nais ng kliyente na maging fun ang vibe ng bahay. Masunurin naman ang arkitekto at sinabing pati ang mga bata ay mag-eenjoy sa kanilang disenyo.

“Client: Architect gusto ko fun-fun lang yung vibe ng bahay.
Architect: Okay Ma’am/Sir. ‘Di lang bata mag-eenjoy baka pati ikaw. Saka di ba po medyo tamad ka maghagdan?” pahayag ng pakwelang caption ng FB page.

Dahil dito, agad na nag-trending sa social media ang nasabing larawan. Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang higit 36,000 reactions, 8,000 comments, at 41,000 shares ang nasabing post. Pumatok sa mga netizens ang idea at nagbigay sila ng kanya-kanyang opinyon tungkol dito.

Larawan mula sa Pexels

Magandang ideya raw ito para sa mga mayroong iniinda sa kanilang paa, tuhod, at kasukasuan dahil hindi mo na kailangang bagtasin pa ang nakapapagod na daan pababa ng inyong bahay. Instant playground na rin daw sa mga bata.

Saad naman ng iba, sana raw ay masiguro ang kaligtasan ng mga gagamit, mula sa maayos na kapitan, malambot na babagsakan, at mas komportableng hugis ng slide at hindi dapat ganoon katarik.

Loading…