Kami walang reply? Meralco nabatikos matapos ang mabilis na sagot sa reklamo ng isang artista

Imahe mula sa Twitter/Facebook ni Richard Yap
  • Nagalit ang ilang netizen sa mabilis na pagsagot ng Meralco sa reklamo ni Yap
  • Ang kanilang reklamo umano ay hindi man lamang mapansin
  • Karamihan ay lumobo ang billing nitong nakaraang lockdown

Hindi pinalagpas ng ilang netizens ang mabilis na pagsagot ng Meralco sa reklamo ng isang artista dahil sa lumobong electric bill nitong nakaraang mga buwan.

Nitong Lunes, ibinahagi ni Richard Yap sa Twitter ang billing ng Meralco para sa kanilang bahay na umabot sa mahigit P55K. Ayon kay Sir Chief, mukhang natriple pa ang billing nila sa kabila ng pagbabayad nito buwan-buwan.

Imahe screenshot mula sa Twitter

“A lot of people have been complaining about their @meralco bill. Instead of billing the average of 3months they have been multiplying our bill 3x. How did our bill end up this big when we’ve been paying our monthly bills?” ani Yap.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay agad namang sumagot ang Meralco sa post ni Yap.

“Let’s check on that, Richard. Kindly provide thru DM your Service Identification Number or Registered Name and Service Address indicated on your electric bill for our reference. We will be waiting,” sagot ng Meralco.

Imahe screenshot mula sa Twitter

Bagama’t sang-ayon ang karamihan sa reklamo ni Yap, hindi naman pinalagpas ng ilang netizen ang mabilis na pagsagot ng Meralco samantalang ‘yung kanilang kaparehong reklamo umano ay hindi man lang mapansin ng electric company.

Narito ang komento ng ilan lamang sa mga dismayadong netizen:

“Pag nagtweet ka sa kanila, sasabihin send daw ng dm. Pag nag dm ka naman di sumasagot, sumagot man sobrang tagal, auto reply pa. They’re hopeless”.

Imahe screenshot mula sa Twitter

“Buti pa dito sumasagot ang @meralco. Pag hindi celebrity, ignore lang?”

“Ako po may DM pakisagot po kasi 2mawag na rin ako sa hotline n’yo wala daw available na CS. Kailangan ko lang po ng explanation bakit lumobo sa 14k bill nmin. Nag email na rin po ako pero wal pang reply.”

“Wow! MERALCO, when public figure voice out. YOU immediately responded meanwhile normal people neglected! Amazing MERALCO! AMAZING! Face vomiting.”

“Mabuti pa ang Artista nireplyan agad #junkmeralcobill ibalik sa gobyerno ang Meralco!”

Imahe mula sa DF Balita

“Buti pa sa ‘yo nagreply — sa ‘kin waley. Kailangan ata artista — grabe, ganyan talaga sila walang basehan. Hula hula lang sobrang singil nila parang 5x pa!”

“He just posted 20hrs ago and i complain almost 3weeks ago and you don’t have any response yet. Face with raised eyebrow.”

Hindi lang si Yap ang nagrereklamo sa tila nakagugulat na paglobo ng kanilang Meralco bill nitong nakaraang lockdown subalit mas ikinagalit ng karamihan ang tila hindi pagpansin sa kanilang reklamo.

Ikaw, ‘sinurpresa’ ka rin ba ng lumobong Meralco bill?

Loading…