Kapatid ni Daniel Padilla na si Magui Planas, nagtapos sa isang virtual graduation ceremony

Imahe mula sa Instagram | Karla Estrada
  • Dahil hindi pa puwede ang mass gathering ay virtual muna ang graduation ng kapatid ni Daniel Padilla na si Magui Planas
  • Sa isang Instagram post ay ipinakita ng kanilang inang si Karla Estrada ang eksena nang tawagin ang pangalan ni Magui at abutan siya ni Daniel ng papel na nagsilbi niyang diploma
  • Binati rin ni Kathryn Bernardo at ng iba pang mga kaibigan nila sa showbiz si Magui

Si Daniel Padilla mismo ang nag-abot ng papel na nagsilbing diploma ng kaniyang kapatid na si Magui Planas nang tawagin ang pangalan nito sa virtual graduation ceremony ng British School Manila.

Imahe mula sa Instagram | Karla Estrada

Ibinahagi ng kanilang inang si Karla Estrada ang tagpong ito sa isang Instagram post.

“Chase your dreams, my dear Magui! Never stop trying, never stop learning. Live life to the fullest. Give it nothing but your best. Congratulations, anak!” mensahe ng Magandang Buhay host na si Karla. “You’re off to great places. I cannot wait to watch you shine as you enter the next chapter in life. I love you, anak.”

Sa kaniyang Instagram post naman ay nagpasalamat si Magui sa lahat ng mga sumuporta sa kaniya.

“Thank you to everyone who supported me along the way. I love you all and all this is for you. I made it,” pahayag ni Magui.

“Yay! Proud of you!” komento ni Kathryn Bernardo, ang reel at real life girlfriend ng Kuya Daniel ni Magui.

Imahe mula sa Instagram | Karla Estrada

Ilan pa sa mga bumati kay Magui ay sina Marjorie Barretto, Melai Francisco, Marco Gumabao, Loisa Andalio, at Miles Ocampo.

Nang mag-debut si Magui ngayong taon ay nag-trending ang video kung saan makikita si Daniel na nakatingin habang kinakausap at niyayakap ng guest na YouTuber na si Justin Vasquez ang kapatid.

“Huy. Grabe yung titig ng Kuya Daniel. Kalma, Daniel. Favorite YouTuber lang ‘yan ni Magui,” sabi ng Twitter user na si Bea.

Marami rin ang natuwa dahil sa pagiging protective na kuya ni Daniel.

Anak ni Karla si Magui sa dating partner na si Mike Planas.

Loading…