Kapatid ni Chavit Singson ipapalit kay Cayetano bilang bagong Speaker?

Imahe mula sa Facebook nina Rep. Velasco at Rep. Singson
  • Kapatid ni Chavit Singson ang posible umanong maging susunod na Speaker
  • Ang nasabing hakbang ay isinusulong daw mismo ni Chavit
  • Bahagi umano ito ng paghahanda ni Pacquaio sa pagtakbo sa 2022 bilang pangulo

Hindi umano si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco kung hindi ang kongresistang kapatid ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang posibleng susunod na lider ng Mababang Kapulungan.

Ayon sa ulat na parehong lumabas sa Abante at Politiko kamakailan, si Probinsyano Ako party-list Rep. Jose “Bonito” Singson Jr. ang napipisil na ipalit kay Speaker Alan Peter Cayetano kahit pa nauna nang napagkasunduan ang term-sharing sa pagitan nina Cayetano at Velasco.

Imahe mula sa Facebook ni Rep. Singson

Ang nagsusulong umano sa nasabing hakbang ay ang grupong malapit kay Senador Manny Pacquiao at bahagi ito ng paghahanda sa pagtakbo ng Pambansang Kamao bilang pangulo sa 2022.

Mismong si Chavit Singson daw ang nagtutulak sa kaniyang kapatid bilang susunod na Speaker at kasalukuyan din itong nangangalap ng suporta mula sa mga mambabatasa sa Mababang Kapulungan.

Posible rin umanong mapaaga ang palit-liderato sa Kamara ngayong darating na Hulyo.

Ganunpaman, itinanggi ito ng ilang mambabatas at sinabing malayo itong mangyari sa ngayon lalo pa’t paborito ni Finance Sec. Sonny Dominguez si Cayetano. Ang Kamara ay nasa gitna ng drafting ng budget sa pangunguna ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Imahe mula sa Facebook ni Rep. Velasco

Magugunitang inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte noon na nagkaroon nga ng term-sharing agreement sa pagitan nina Cayetano at Velasco.

Ayon sa nasabing kasunduan, si Cayetano ay magsisilbi bling Speaker sa unang 15 buwan habang si Velasco naman ay magsisilbi sa natitirang 21 buwan ng termino sa ilalim ng 18th Congress.

Nauna nang sinabi ni Cayetano noong nakaraang linggo na inaasahan niyang walang masyadong gusot sa posibleng pagpapalit ng liderato sa darating na Oktubre. Nakikipag-ugnayan na rin umano siya sa kampo ni Velasco para walang masyadong maapektuhan na chairmanship ng komite sa Kongreso.

Loading…