Kaso ng teacher na nag-alok ng P50-M reward para sa ulo ni Pres. Duterte, ibinasura ng korte

Screenshot mula sa video ng Tribune
  • Kasong sedisyon laban sa guro na nag-alok ng pabuyang P50 million sa sinumang tatapos sa buhay ni Pangulong Duterte, ibinasura ng korte
  • Pinaboran ng korte ang motion to quash na inihain ng kampo ng guro
  • Sinabi ng korte na ilegal ang ginawang paghuli sa guro

Ibinasura ng isang korte sa Olongapo City ang kaso laban sa school teacher na nag-alok ng limampung milyong pisong pabuya sa sinumang tatapos sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Screenshot mula sa video ng Tribune

Sa desisyon na may labinlimang pahina at may petsang June 24, pinaboran ni Judge Richard Paradeza ng Olongapo Regional Trial Court ang  inihain ng public school teacher na si Ronnel Mas na motion to quash ang ikinaso sa kanyang “inciting to sedition in relation to cybercrime.”

Kinuwestyon ng kampo ni Mas ang legalidad ng paghuli sa kanya.

Ayon kay Judge Paradeza, walang hurisdiksyon ang korte kay Mas dahil ilegal ang pagkakadakip sa kanya.

Noong buwan ng Mayo ay hinuli ang guro nang walang warrant sa Zambales at ipiniit sa Maynila sa loob ng isang linggo. Pansamantala siyang nakalaya matapos maglagak ng piyansang P72,000.

“No other evidence was gathered by the NBI operatives to pinpoint ownership of the said Twitter account except the statements of Julius Hallado. Owing to the appreciable lapse of time between the arrest of the accused and the commission of the crime charged, it is safe to conclude that the arrest of the accused is unlawful,” saad ng desisyon ng Judge.

Screenshot ng kontrobersyal na tweet ni teacher Ronnel Mas

“However, no matter how contemptible or reprehensible the post is, the person or persons subjected to be responsible to the posting of the subject provocative text should be afforded their constitutional rights,” sabi pa ni Judge Paradeza sa kanyang desisyon.

Nauna nang inamin at humingi ng paumanhin si Mas sa kanyang nagawa. Aniya, nagawa lang niya iyon upang magpapansin sa social media. Wala umano siyang masamang intensyon sa Pangulo.

Ipinaliwanag ng judge sa kanyang desisyon na kahit isang “gospel truth” ang ginawang pag-amin ni Mas, ngunit kung ito ay ginawa nang walang assistance mula sa isang abogado ay hindi ito maaaring tanggapin bilang ebidensya kahit na hindi siya pinilit at kusang-loob siyang nagbigay ng pahayag.

Screenshot ng bahagi ng desisyon ni Judge Richard Paradeza

Loading…