Katuwaan lang! Netizen gumawa ng bacon na hugis face mask na masarap daw na ‘proteksiyon’ sa pandemya

  • Trending ang kakaiba at masarap na face mask na ginawa ng isang netizen
  • Inihugis niya kasi ang ipinritong bacon na parang face mask na nagpatakam sa netizens
  • Ayon sa kanila, ito raw ang face mask na siguradong aaraw-arawin nila

Dahil bahagi na ng new normal ng mundo ang pagsusuot ng face mask kahit medyo diyahe sa porma, ang mga netizens na lang ang gumagawa ng paraan para kahit papaano ay maging ‘cool’ ang pagsusuot nito kapag lalabas ng bahay.

May mga gumagawa ng mga face mask na maraming dekorasyon at palamuti, habang ang iba naman ay ginawang transparent ang bahaging bibig ng face mask para daw kita pa rin ang labi at ang shade ng lipstick na suot ng gagamit.

Larawan mula sa post ni Robert Moreau

Hindi pa rin nauubos ang pagkamalikhain ng mga netizens sa pag-iisip ng iba’t ibang istilo ng face mask. At ngayon nga, pati pagkain ay naiisipan nang gawing face mask. Sa post ng social media user na si Robert Moreau ay makikita ang kanyang nakatatakam na proteksiyon sa pandemya.

Inihugis niya kasi ang mga ipinritong bacon na akala mo’y face mask. Mayroon itong pahabang bahagi na magsisilbing panakip sa mukha at may maliit na stip ng bacon sa magkabilang dulo na magsisilbi namang pangkapit sa tainga ng masarap na face mask.

“Making more masks today. Let me know if you need one,” biro ni Robert sa kanyang trending post na sa kasalukuyan ay mayroon nang 4,300 reactions, 3,000 comments, at 21,000 shares.

Kanya-kanya ring komento ang mga netizen sa kakaibang face mask na ito. Kahit alam nilang biro-biro lang at hindi naman talaga maaaring isuot ang face mask na bacon dahil baka mapuno ng mantika ang mukha mo, kumagat pa rin sila sa masarap na pakulong ito ni Robert.

Larawan mula sa Pexels

Ayon sa kanila, ito raw ang face mask na kailanman ay hindi nakasasawa at ang face mask na aaraw-arawin nila. Ang ilan naman, biglang natakam sa paboritong almusal na bacon. Kaya napaluto ang ilan nito at inulam sa kanin.

Panay tag din ng mga netizen sa kakilala nilang bacon-l0ver. Siyempre, para takamin din ang mga ito. Sabi naman ng ilan, magandang ideya raw ang bacon bilang disenyo ng face mask. Maaari daw silang mag-print ng ganitong disenyo sa tela at gawing legit na face mask.

Loading…