Komedyanteng si Joey Paras, kailangan ng tulong pinansyal para malunasan ang karamdaman sa puso

  • Kailangan ng tulong ng komedyanteng si Joey Paras para sa kanyang kalagayan sa pus0
  • Nasa P750,000 ang kailangan niya para maisagawa ang procedure upang bumuti ang kanyang lagay
  • Ipinagbibili na rin ng komedyante ang kanyang bahay sa Cavite para mabuo ang pondong kailangan

Maraming manonood sa telebisyon at pelikula ang napasaya ng komedyanteng si Joey Paras. Napabilang siya sa ilang pelikula ng Viva at naging bahagi rin ng defunct musical comedy show ng GMA na Sunday Pinasaya.

Ngunit ngayon, ang komedyanteng nagpasaya sa atin ay kinakailangan ng tulong para ma0perahan at malunasan ang iniinda niyang kondisyon sa pus0. Lumilikom ngayon si Joey at kanyang mga kaibigan ng halagang P750,000 para sa kinakailangang angioplasty procedure.

Larawan mula sa Instagram account ni Joey Paras

Matatandaang noong nasa Sunday Pinasaya pa ay napabalita na rin na sumailalim na rin siya sa operasy0n at tinulungan naman siya ng mga kasamahan sa show. Ibinahagi rin ni Joey sa kanyang Instagram account ang larawang ginawa para sa fund raising na ginawa para sa kanya.

“Knocking on your door! Please help me. God Bless You All! #ParaSaAngioplasty,” pahayag ni Joey, na Joseph Estrada Paras sa totoong buhay.

Ipinagbibili na rin Joey ang isa sa mga ari-ariang naipundar niya. Sa Facebook post ng manunulat at direktor ding si Joey, sinabi niyang for sale na ang kanyang 3-storey house sa Imus, Cavite. Kung maibebenta ang bahay, malaking tulong ito sa pagpapagam0t niya.

Ngunit kahit may iniinda, nagawa pa rin ni Joey na magpasalamat dahil negatibo naman siya sa C0VID-19. Sa isang post din sa IG, sinabi ni Joey na masaya siya sa pagnegatibo sa corona at nang malaman niya ito ay para na rin daw siyang nanalo ng award.

Larawan mula sa Instagram account ni Joey Paras

“I tested NEGATIVE sa COVID19 TESTING! Praise God! Para akong nanalo ng AWARD!!! Now, this makes me HAPPY! Edema and Heart Failure, tayo naman ang magtutuos,” pahayag ni Joey.

Marami ding kapuwa celebrity ang nagpahayag ng kanilang suporta sa kaibigan katulad ng mga Kapuso actress na sina Carla Abellana, Vanes del Moral, at Kris Bernal.

Noong 2016 ay sinabi ni Joey na napag-alaman nilang mahina ang contraction ng kanyang pus0. Pinayuhan din siya ng doktor noon na magpahinga muna ngunit hindi niya ito nagawa dahil sa dami ng trabaho.

Loading…