Korina Sanchez: ” I stand with Maria Ressa”

  • Buo ang suporta ng batikang journalist na si Korina Sanchez-Roxas kay Rappler CEO Maria Ressa
  • Ipinahayag niya ito sa kaniyang Instagram account na may caption na “I stand with Maria Ressa”
  • Nahatulang guilty si Ressa kasama ang researcher na si Rey Santos, Jr. dahil umano sa paglabag sa 

Matapos ang desisyong “guilty” ng korte laban kina Rappler CEO at editor na si Maria Ressa at researcher nitong si Rey Santos, Jr.,  nagpahayag ng pagsuporta sa kaniya ang iba’t ibang mga mamamahayag sa Pilipinas at ibang bansa; kabilang na riyan ang isa sa mga batikang journalist ng ABS CBN na si Korina Sanchez-Roxas.

Imahe mula sa Instagram account ni Korina Sanchez

Batay sa kaniyang Instagram post, matapang na ipinahayag ni Korina ang kaniyang pagsuporta kay Maria Ressa. Ipinaliwanag din niya sa kaniyang post kung bakit siya naninindigang hindi dapat mahatulang guilty ang kapwa mamamahayag.

“I stand with Maria Ressa. Why? First, they only reported the FACTS. Hindi ba iyon naman ang trabaho namin? Second, the report came long before the Cyber Law was enacted. Really? Hinabol? Pinilit? Third, the other side of the report was taken and reported as well. Equal time. Ano problema ninyo?” pag-iisa-isa ni Korina.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“We stand with Maria Ressa! Wala pa yung terror bill na ‘yan too much abuses, mapapamura ka talaga,” sabi ng isa.

Pahayag naman ng isa, “I am not surprised by this situation, this is one of many and with this administration all our fears are but to be realized… when Marcos was buried in Libingan ng mga Bayani, that was the start…”

“Iyan po ang hatol ng korte. Igalang na lang po natin. Law is law. Justice has been served,” saad naman ng isa.

Nitong Hunyo 16, 2020, hinatulan ni Manila Regional Trial Court Branch 46 Judge Rainelda Estacio-Montesa sina that Ressa at ang researcher nitong si Santos na “guilty” sa paglabag ng Republic Act (RA) 10175 o “Cyber crime Prevention Act.”

Public Domain Image

Kaugnay rito ang pagsulat ni Ressa ng Rappler article laban kay Wilfredo Keng na umano’y nagsagawa ng iba’t ibang serye ng krimen gaya ng human and drug trafficking noong 2012.

Si Maria Ressa ay nakilala bilang isang mahusay na journalist at co-founder ng Rappler, isang online news page site sa bansa. Nakilala siya bilang lead investigative journalist sa buong Southeast Asia para sa CNN. Kilala rin siya bilang isa sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Loading…