Kuwentong Tatay: Kinukuha mo rin ba ang barya sa bulsa ng pantalon ng tatay mo?

  • Nanariwa sa mga netizens ang mga gawain noon ng mga bata na pagkuha sa mga naiwang barya sa bulsa ng pantalon ng mga tatay
  • Marami sa mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga karanasan hinggil dito
  • Itinuturing ang mga ama bilang “haligi ng tahanan”

Noong Hunyo 21, 2020 ay ginunita ang pagdiriwang ng “Happy Father’s Day” bilang pagpupugay sa mga ama o tinatawag na “haligi ng tahanan.” Muling bumaha sa social media ang mga pagbati at patotoo ng iba’t ibang mga anak kung paano naging mabuti at ulirang magulang sa kanila ang kani-kanilang mga tatay.

Isa sa mga sinariwang gawain ng mga bata noon (at marahil hanggang ngayon) ay ang pagkuha sa mga naiwang barya o perang naiwan sa bulsa ng mga hinubad na pantalon ng kanilang mga tatay, pagkauwi mula sa trabaho. Itinampok iyan sa Facebook page na “Papa.”

Imahe mula sa Facebook page na Papa / Public Domain Image

Marami tuloy sa mga netizens ang nakaramdam ng pangungulila sa kanilang mga amang nasa langit na at kapiling na ng Panginoon. Ibinahagi nila ang kani-kanilang mga karanasan sa comment section.

Sabi ng isa, “I missed you Tatay in the heaven! Ganiyan ang Tatay ko, lagi siyang nag-iiwan ng barya sa bulsa kasi alam niyang tinitingnan namin kung may naiiwan, para sa amin na iyon.”

“My dad has a coin drawer everyday. He fills the coin container with plenty of coins then I get some change to buy junk food when I’m alone at home. Thank you Papa wherever you are now,” pananariwa naman ng isa.

Salaysay naman ng isa, “Na-miss ko tuloy noong mga bata pa kami, sa kabang maunahan ng mga kapatid ko coinpurse na kinukuha… jackpot kapag may buong nakuha hahahaha.”

“Kapag ginawa iyan ngayon ang tawag ‘COPIT-19″ hahaha. Pero seriously, noon ginagawa rin naming magkakapatid iyan. Lagi naming inaabangan kung saan isasabit ni Papa yung pantalon niya kasi may mga barya. Tapos may mga kendi o kaya sitsirya na tig-pipiso lang noon. Kapag nakakuha na kami, tatakbo na kami sa tindahan para bumili. Those were the days!” sabi naman ng isa.

Public Domain Image

Pero tandaan, mas mainam pa rin kung hihingi at magpapaalam kay Tatay. Malay mo, baka mas malaki pa ang kaniyang ibibigay!

Source :

Facebook

Loading…