Kuya nagbihis a la seaman upang pangitiin ang kapatid na naudlot ang kasal

Imahe mula sa Facebook | Vangie Ventura
  • Ikakasal na dapat si Jolly Ventura sa fiancé niyang si Emmanuel Jamoralin na nagtatrabaho bilang seaman
  • Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi ito natuloy
  • Upang maibsan ang lungkot ng kapatid ay gumawa ng paraan ang kaniyang kapatid para mapangiti siya

Nakatakda sanang ikasal noong June 6 sina Jolly Ventura at ang fiancé niyang si Emmanuel Jamoralin, ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi ito natuloy. Ang mas nakalulungkot pa para sa bride-to-be, hindi man lang niya nakausap si Emmanuel noong araw na iyon dahil walang signal sa barko.

Imahe mula sa Facebook | Vangie Ventura

Ngunit hindi hinayaan ng Kuya ni Jolly na si Roy Ventura na tuluyan nitong maramdaman na hindi espesyal ang araw ng kaniyang kasal kaya naman nagsuot siya ng uniporme ng seaman, nag-mask a la Emmanuel, at saka binigyan ng bulaklak at isinayaw ang kapatid.

Ang nakaaantig na tagpong ito ay ibinahagi ng kapatid nilang si Vangie Ventura sa isang Facebook post.

“Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang pinagdaraanan ngayong pandemic. Patibayan ng loob ang labanan. Kagaya nitong kapatid ko, sa mata ng iba ay mababaw ang pinagdadaaanan nila. Pero para sa mga babaeng pinlano ang lahat para sa pangarap nilang kasal tapos biglang hindi matutuloy, mabigat ito,” ani Vangie.

Imahe mula sa Facebook | Vangie Ventura

“Seaman ang fiancé niya at ngayong araw dapat ang kasal nila pero kahit makausap man lang sa video ngayong araw, wala. Kasi nga, walang signal.”

Dagdag niya pa, marami na silang nakitang trending posts tungkol sa magkasintahang natuloy ang kasal sa gitna ng quarantine. “Kung puwede lang ikasal sa video call, malamang ginawa na nila…Love conquers all ika nga ng iba.”

Mensahe niya kina Jolly at Emmanuel, huwag panghinaan ng loob. “Laging maganda ang plano ng Lord para sa inyo at excited na kami sa ipagkakaloob Niyang bagong petsa ng kasal ninyo,” pagtatapos ni Vangie.

Looking forward to your wedding, Jolly at Emmanuel!

 

Source :

Facebook

Loading…