Lalaki tinulungan ang matandang kakanin vendor na ayusin ang kanyang nasirang sidecar

  • Hinangaan ang isang lalaki na tumulong sa isang matandang nagtitinda ng kakanin
  • Ayon sa uploader, nasira daw kasi ang sidecar ng matandang vendor kaya naman inayos ito ng lalaki
  • Isa raw tricycle driver ang lalaki at nataong day-off niya sa pamamasada nang makita ang matanda

Sa pagpasok ng taong 2020, napakaraming pagsub0k na ang kinaharap ng ating bansa. Ang mga pinagdaanan nating ito ay sumubok sa ating katatagan at kahandaan. Sa panahong maraming dagok, sumandal ang marami sa isa’t isa at kinapitan ang pagtutulungan ng mga Pinoy.

Lumabas din kasi ang pagkamatulungin at pagmamalasakit ng mga Pinoy sa kanilang kapuwa sa mga panahong ito. Sabi nga ng ilan, kahit madalas na makitang nagbabangayan ang mga Pinoy sa social media, marami pa rin ang may mabuting kalaooban para tumulong.

Larawan mula sa Facebook psot ni Jinky Soriano Junio

Ganito ang diwa ng isang post mula sa public Facebook group na Taga-Harmony Hills I Ka Ba. Ipinakita kasi ng isang lalaki na handa siyang tumulong sa isang taong hindi naman niya kaano-ano na naipit sa isang sitwasyong kailangan ng isang kaagapay para masolusyunan.

Sa mga larawang ibinahagi ni Jinky Soriano Junio, makikita ang isang lalaki na inaayos ang gulong ng sidecar ng isang matandang kakanin vendor. Sa kalagitnaan daw kasi ng pag-aalok ng matanda ng kanyang paninda ay nasira ang gulong ng kanyang munting sasakyan.

Hindi naman nag-atubili ang lalaki na tulungan ang matanda. Inayos nito ang gulong hanggang sa muling magamit ni lolo ang kanyang sidecar at makapagtindang muli. Humanga naman si Jinky sa kabutihang loob ng lalaki.

“Napakabait naman ni kuya tinulungan niya si tatay na nagtitinda ng puto’t kutsinta na Na-flatan ng Gglong habang nagtitinda. Good job, kuya. Sana pagdaan ni tatay bilihan n’yo po siya para makauwi na,” pahayag ni Jinky sa kanyang post.

Larawan mula sa Facebook psot ni Jinky Soriano Junio

Dahil ang Facebook group ay samahan ng magkakapitbahay sa isang subdivision sa San Jose del Monte, Bulacan, agad na may nakakilala sa good Samaritan.

Ayon sa isang komento, isang tricycle driver daw pala ang lalaki na tinatawag nilang Jumong.

Day-off daw noon ng tricycle driver. Tiyempo namang sa pamamahinga ng lalaki ay doon niya nakita ang kaawa-awang matanda. Ayon pa sa nagkomento, proud raw ang may-ari ng tricycle na pinapasada niya sa kabutihang loob na ipinakita.

Loading…