Lalaking naghuhugas ng pinggan habang nakahiga, nagdulot ng tuwa

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang mga larawan ng isang lalaking naghuhugas ng pinggan
  • Nakahiga kasi siya sa lababo habang ginagawa ito
  • Mahalaga ang paghuhugas ng mga pinagkainan bilang gawaing-bahay upang may magamit ang mga kapamilya o kasama sa bahay sa mga susunod na oras ng pagkain

Isa sa mga gawaing-bahay na kailangang gawin ang paghuhugas ng mga pinagkainan. Kadalasan, ipinapasa ang gawaing ito sa mga anak. Ang iba naman ay nagkakaroon ng pagtotoka o pagtatalaga ng iskedyul upang lahat ng miyembro ng pamilya ay mabigyang-pagkakataong makatulong.

Aminin man sa hindi, marami sa atin ang kinatatamaran pa rin ang paghuhugas ng pinggan. Kagaya na lamang ng ipinakita sa Facebook page na “Tawang-Tawa” kung saan makikita ang isang lalaking nakahiga sa lababo habang naghuhugas ng pinggan. Sila raw ang mga taong tinatamad ngunit minabuti pa ring sundin ang utos ng kanilang nanay—ginawa nga lamang literal!

Imahe mula sa Facebook page na Tawang-tawa / Public Domain Image

“MAMA: Kung yang HINIHIGA-HIGA mo ay ihugas mo ng mga hugasan. AKO: Opo Ma…” ayon sa caption ng naturang post.

Nagdulot naman ito ng tuwa sa mga netizens. Nagbahagi sila ng kanilang mga karanasan hinggil sa paghuhugas ng pinggan.

Salaysay ng isa, “Noong buhay pa ang Papa puro kami higa tapos tambak ang kinainan. Kaya kapag nagagalit eh sa dahon kami ng saging kumakain, kapag may sabaw ulam sa bao ng niyog inilalagay.”

“Napakabatugan naman nito. Dapat kapag ganito katamad sa bahay pinapalayas na. O kaya naman huwag na pakainin hahaha,” pabiro namang saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Ganiyan nga karamihan sa kabataan ngayon. Wala nang ginawa kundi humilata at mag-cellphone. Kapag inutusan sila pa ang galit.”

Samantala, isang netizen naman ang pabirong ginaya ang caption ng larawan. Sa kaniya naman, ang sinabi ng kaniyang nanay ay cellphone siya nang cellphone. Maghugas naman daw siya ng mga pinagkainan. Kaya ang ginawa niya, naglaro siya ng isang online game na paghuhugas ng pinggan ang tema.

Public Domain Image

Sa isa namang viral post, makikitang ang naging mungkahi ng isang netizen upang ganahan sa paghuhugas ng pinggan ang mga anak o sinumang miyembro ng pamilya ay paglalagay ng isanlibong piso sa lababo; baka mag-unahan pa ang mga iyan!

“Pampagana” para sa paghuhugas ng mga pinagkainan, kinaaliwan

May pampagana man o wala, obligasyon nating hugasan ang ating mga pinagkainan upang muling makagamit nito ang mga miyembro ng pamilya.

Imahe mula sa Facebook account ni Brian Kylle Almonte II/Public Domain Image

Loading…