Landlady sa Batangas, 3-buwang inilibre sa renta ang mga nangungupahan sa kaniya

  • Hinangaan sa social media ang kabutihan ng isang ginang matapos nitong hindi pagbayarin ng tatlong buwang renta ang mga nangungupahan sa kaniya
  • Maliban sa libreng renta, nagpamigay rin ang ginang ng bigas sa pitong apartment units na hawak niya
  • Marami naman ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa ginang dahil sa kabutihan na kaniyang ipinamalas sa kapuwa

Hinangaan sa social media ang kabutihan ng isang ginang matapos nitong hindi pagbayarin ng tatlong buwang renta ang mga nangungupahan sa kaniya.

GMA Public Affairs

Kinilala ang ginang sa pangalang Mary Anne Ilagan mula sa Lipa, Batangas.

Sa ulat ng GMA Public Affairs, sinabi umano ni Ilagan na alam niyang hirap ang kaniyang mga boarders dahil sa kawalan ng trabaho noong mga nakaraang buwan dahil sa community quarantine.

Saka na lamang umano siya maniningil kapag may trabaho nang muli ang mga ito at kaya na nilang magbayad sa bahay.

Nilinaw rin ni Ilagan na hindi utang ang renta ng mga nangungupahan sa kaniya noong nakalipas na tatlong buwan, kung hindi tulong mula mismo sa kaniya.

Maliban sa libreng renta, nagpamigay rin ang ginang ng bigas sa pitong apartment units na hawak niya.

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa ginang dahil sa kabutihan na kaniyang ipinamalas sa kapuwa.

“Wow! Buti pa si Ma’am nakakaintindi sa mga tenants niya. Pagpalain ka pa Ma’am. Sana maulanan ka at dumami ang kagaya ninyo. God bless po,” sabi ni JE.

“Hindi po ako nangungupahan pero na touch po ako talaga. You have a big heart dahil po sa totoo lang marami na talaga iniisip stress ngayon ang mga tao. God bless po sa inyo sana po dumami pa ang katulad niyo. God bless po ulit,” ayon kay MT.

Imahe mula sa Pixabay

“We salute you po, Madam. Sana tularan po kayo ng mga nagpapaupa po ng bahay na [matututo sana] tumulong sa kapwa nila at marunong lumingon sa pinanggalingan po nila,” sabi naman ni GA.

“Napakabuti ng puso mo, Ate. Sana lahat ng nagpapaupa ng bahay tulad mo na may mabuting puso. Pagpalain ka pa ni Lord at ingatan ka. Kami rin umuupa ng bahay at lagi kong kinatatakutan ay ‘yung mapalayas kami ‘pag wala kming pambayad. Ang hirap talaga ng walang sariling bahay,” pagbabahagi naman ni SR.

Loading…