Leonen hinamon ang mga bagong abogado na ‘wag manahimik, labanan ang injustice

Image capture of video by PTV via YouTube
  • Hamon ni SC Associate Justice Leonen sa mga bagong abogado, labanan ang injustice
  • Aniya, pinananatili ng pananahimik ang status quo at maaaring magdulot ng mas marami pang biktima
  • Binigyang-diin nito na ang papel ng mga abogado ay maghanap ng solusyon at magdala ng pagbabago

Hinamon ni Supreme Court Associate Justice Marvic Mario Victor F. Leonen ang mga bagong abogado ng bansa na ‘wag manahimik; bagkus ay labanan ang injustice, sa kanyang talumpati sa oath taking ceremony ng 2019 bar-exam passers.

Sinabi ni Leonen na ang pananahimik kapag naging biktima o kasabwat sa paggawa ng corrupt acts ng mga makapangyarihan, ay isang makapangyarihang political act na nagpapanatili sa status quo at maaaring magdulot ng mas marami pang biktima.

Image capture of video by PTV via YouTube

Dagdag nito, mas pinapaboran ng pananahimik ang mga mayroong resources kumpara sa mas nangangailangan ng batas. Ginagawa rin umano nitong tama ang pagkaganid at pinarurupok ang kapangyarihan ng public trust.

Pinaalalahanan ni Leonen ang mga bagong abogado na higit lalo sa kanilang titulo at professional degrees, ang kanilang papel ay maghanap ng solusyon at magdala ng pagbabago.

“Your purpose as a lawyer is to use your life to shape law so that it authentically contributes to the achievement of the best society for every human being.”

Magiging walang saysay umano ang mga bagong abogado kung mananatili sila sa protektado at komportableng pamumuhay, susuko sa status quo, magpayaman, gawin ang nais, at mamuhay na puno ng mga materyal na bagay.

“But we have a choice. We have the option to discover our courage. Live with the discomfort. Critically examine our society and use our profession for a greater purpose that humanity not only survives but thrives with social justice.”

Image capture of video by PTV via YouTube

Gumawa ng kasaysayan ang oath taking na ito ng mga bagong abogado dahil sa isinagawa ito online sa pamamagitan ng video conferencing.

Pinamunuan naman ni SC Clerk of Court Edgar Aricheta ang panunumpa ng mga bagong abogado.

“Sobrang thankful ko”: 2019 Bar Exam topnotcher also a CPA

Nanguna sa bar exams noong 2019 si Mae Dianne Azores ng University of Sto. Tomas sa Legaspi na may rating na 91.0490%.

Panoorin ang video ng oath taking ceremony sa ibaba, mula sa PTV:

Loading…