Let’s take better care of each other: Netizen ibinahagi ang realisasyon sa gitna ng GCQ

Imahe mula sa Facebook | Oliver Ang
  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang realisasyon habang nagmamaneho sa kahabaan ng Taft Avenue sa Maynila kung saan umiiral ang GCQ
  • Kuwento niya may isang lalaking pumara sa kaniya upang makisabay
  • Sa panahong ito, sana raw ay mas maging mabuti ang mga Pilipino sa isa’t isa

Dahil nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) ay nagbalik-operasyon na ang ilang mga kompanya sa National Capital Region (NCR). Sa kabila nito ay limitado pa rin ang pampublikong transportasyon na pinapayagang bumiyahe kaya naman kaniya-kaniyang diskarte muna ang mga commuter.

Imahe mula sa Facebook | Oliver Ang

Ang isang netizen na si Oliver Ang, isa sa mga naging saksi nito. Aniya, habang nagda-drive sa kahabaan ng Taft sa Maynila ay may lalaking pumapara sa kaniya.

“Was at an intersection so I slowed down but didn’t fully stop, ignoring this guy,” pagbabahagi niya. “Imagine my sh0ck when I saw this same guy climbing the back of my pickup truck. But just as quickly as he got onboard, I realized that he was flagging me down to try and hitch a ride.”

Dito na raw niya ibinaba ang kaniyang bintana upang tanungin ang lalaki kung saan siya pupunta.

Imahe mula sa Facebook | Oliver Ang

“His destination (Cartimar) was a very slight detour from my original route so I went ahead and dropped him off,” salaysay ni Oliver.

Maliit na bagay ito ngunit malaking tulong para sa mga kababayan. Mensahe niya sa mga Pilipino, sana ay maging mas mabuti sa isa’t isa lalo na sa gitna ng pandemya.

“Let’s try to be kinder to each other and take better care of each other. We, now more than ever, are really in this together.”

Paalala ng netizens, walang masama sa pagtulong sa kapwa ngunit huwag din daw sanang kalimutang mag-ingat.

“I don’t blame you for being wary because you don’t really know the kind of people out there. Ensure your doors are always locked for your safety. Kudos for your kindness,” ani E. Ng.

Source :

Facebook

Loading…