Lol! Pusa na may suot na ‘akyat-bubong pass’, kinaaliwan sa socmed

  • Agaw-pansin sa mga netizens ang larawan ng isang pusa habang suot ang kaniyang “akyat-bubong” pass
  • Nilinaw naman ng amo nitong si Vienne Vi na hindi gala ang kaniyang alaga at katuwaan lang ang pagsusuot nitong pass
  • Marami naman ang nahumaling sa ka-cute-an ni Luna kaya agad na nag-viral ang kaniyang mga larawan sa social media

Dahil sa pagpapairal ng enhanced community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa noong mga nakaraang linggo, kinailangan ng mga opisyal na mag-issue ng quarantine pass para sa mga taong pinapayagang lumabas upang bumili ng pagkain at iba pang essential needs.

Imahe mula kay Vienne Vi | Facebook

Sa social media, agaw-pansin naman ang mga larawan ng isang pusa dahil sa suot nitong “pass” na “ginagamit” para makalabas.

Ibinahagi ang mga litrato ng netizen na kinilalang si Vienne Vi sa Facebook noong May 27. “May quarantine pass na siya baka naman hulihin niyo pa ha,” biro nito sa post.

Paglilinaw ni Vienne na taga-General Trias, Cavite at siyang may-ari sa pusa, hindi naman daw gala ang kaniyang alagang orange tabby na si “Luna.”

Ginawan lamang niya itong ng “akyat-bubong pass” para maghatid ng good vibes sa social media.

Hilig rin umano ni Vienne na bihisan ng iba’t ibang makukulay na damit at headband ang alaga.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa higit 8,300 ang reactions na inani ng post ni Vienne, habang nasa lagpas 18,000 naman ang nag-share ng larawan ng alaga sa Facebook.

Marami din ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa larawan, pati na rin sa ka-cute-an ng pusang si Luna.

“Magaling! Haha!” natatawang sabi ni LR. “Kuha munang ulam sa kapitbahay. Hahaha!” biro ni JQR.

Imahe mula kay Vienne Vi | Facebook

“Dapat lahat ng pusa na dadaan dito sa min may ganito, e. ‘Yung isa winasak yung bintana ko,” pahayag ni EC matapos i-share ang mga larawan sa social media.

“Ang cute mo naman, Baby Luna. Fashionista pa.Trending ka na, ah. Artistahin ang mingming na to,” sabi pa ni AA matapos makita ang viral na larawan ng pusa.

Source :

Facebook

Loading…