Looking forward to 800 more years with you: Karla Estrada at Jam Ignacio nagdiwang ng unang anibersaryo

Imahe mula sa Instagram | Karla Estrada
  • Kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanilang unang anibersaryo sina Karla Estrada at ang kaniyang non-showbiz boyfriend na si Jam Ignacio
  • Bumuhos ang pagbati mula sa mga kaibigan ni Karla sa showbiz
  • Nobyembre 2019 nang kumpirmahin ni Karla ang relasyon nila ni Jam

Nagdiwang kamakailan ng unang anibersaryo sina Karla Estrada at ang non-showbiz boyfriend niyang si Jam Ignacio.

Imahe mula sa Instagram | Karla Estrada

Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi ni Karla ang mga larawan mula sa kanilang anniversary celebration, kalakip ang nakakikilig na caption na “My heart tells me that true love really exists! This is a year worth celebrating! Happy 1st anniversary, love. Looking forward to 800 more years with you. I love you.”

May ibinigay ring note ang kaniyang boyfriend na nagsasabing “I believe everything happens for a reason because it led me to you. I love you.”

Dahil dito ay bumuhos ang pagbati ng mga kaibigan ni Karla sa showbiz. “Grabe naman! 800 years talaga? Happy anniversary! Can’t believe it’s been a year,” sabi ni Ruffa Gutierrez.

“Ang tamis! Happy anniversary, guys!” komento naman ni Erik Santos.

Imahe mula sa Instagram | Karla Estrada

Nobyembre 2019 nang kumpirmahin ni Karla ang relasyon nila ni Jam sa birthday episode niya sa “Magandang Buhay.”

Samantala, sa isang panayam sa  Tonight with Boy Abunda ay inamin ng anak niyang si Daniel Padilla na hindi magiging madali ang pagtanggap niya nang buo kay Jam dahil saksi siya sa lahat ng pinagdaanan ng kaniyang ina.

Sa kabila nito ay ayaw niya raw maging kontrabida sa love life ng ina lalo na at nakikita niyang masaya naman ito.

“Ayoko namang sirain dahil ‘yon yung mga bagay na hindi ko rin maibibigay sa kanya,” sabi niya. Kaya naman ngayon ay nakamasid lang sa malayo si Daniel.

“Hindi naman ‘yon sa ayoko sa‘yo pero sorry, pare, ang dami ko nang narinig, ang dami ko nang nakita. Lahat ng pinakamasasaya, lahat ng pinakamalulungkot, nakita ko na sa ermat ko,” dagdag pa ni Daniel. “Ako ang number one security ng ermat ko e.”

Loading…