Mabango, mura, at anti-bac pa! Kilalang bath soap, ginawang car perfume ng isang netizen

  • Trending online ang diskarte ng isang netizen para sa mura, mabango, at anti-bac niyang car perfume
  • Ginawa niya kasing pabango sa kanyang kotse ang isang sikat na sabong pampaligo
  • Pumatok naman ito sa mga netizens at marami ang nakakuha ng ideya sa nasabing social media post

Sa panahon ngayon, kanya-kanyang diskarte ang mga Pilipino para panatilihing ligtas at malinis ang sarili. Nariyan pa rin kasi ang banta ng pandemya kaya naman mahalaga pa ring mag-ingat. Dahil dito, mabenta rin sa kasalukuyan ang iba’t ibang hygiene products at iba pang magagamit na pang-sanitize.

Ito rin ang dahilan kung bakit viral ngayon ang diskarte ng isang netizen para makatipid pero masisiguro pa ring ligtas at malinis ang loob ng kanyang sasakyan. In-upload ng Facebook user na si Mon Gloriane Jr. sa kanyang post ang larawan ng kakaibang car perfume niya.

Larawan mula sa Facebook post ni Mon Gloriane Jr.

Makikita ang mga larawan ng ng isang maliit na box ng sikat na bath soap na Safeguard. Binutas-butasan lang nito ang karton at inilagay sa slot ng car perfume sa may kotse. Ayon kay Mon, bukod raw sa mura na at mabango, sigurado rin daw na anti-bacterial ito dahil dito kilala ang nasabing sabong panligo.

“Car perfume ba kamo? Mura na, mabango pa. 99.9% anti-bac na rin. PM for orders,” biro ni Mon sa kanyang viral post na sa kasalukuyan ay mayroon nang 2,300 reactions na karamihan ay ‘haha’ at 5,400 shares.

Dahil nag-viral, nagbiro din si Mon sa pamunuan ng Procter and Gamble Philippines, ang kompanyang lumilikha ng Safeguard, na ‘baka naman’ daw dahil nakapag-promote siya ng bagong car perfume na makatutulong daw sa benta ng naturang sabon.

Kanya-kanyang opinyon naman ang mga netizens na nakakita ng post at patuloy na isine-share ang larawan ng kakaibang car perfume. Ayon sa kanila, sigurado raw na hindi ito nakahihil0 at hindi tulad ng mga car perfume na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa ilang bumibiyahe.

Larawan mula sa Facebook post ni Mon Gloriane Jr.

Pahayag naman ng ilan, mas madali rin daw na mahanap ang car perfume na ito dahil maski ang mga sari-sari store ay may tindang Safeguard. Makatutulong din daw ito sa pagpapanatili ng malinis na hangin sa loob ng sasakyan.

“Ito na lang dapat ang ilagay sa mga sasakyan. Yung ibang perfume, di naman mabango at nakakahil0 pa. At least ito amoy bagong ligo ang car mo! Hahaha,” pahayag ng isang netizen.

Loading…