Mag-asawang bumili ng inflatable pool para sa mga anak, kinaantigan

Imahe mula sa Facebook | Edrey Catorce
  • Marami ang naantig sa eksenang nakuhanan ng larawan ng isang netizen
  • Makikita rito ang mag-asawa na isinasakay sa sidecar ang inflatable pool na nabili nila mula sa isang tiangge sa Calamba, Laguna
  • Sabi ng uploader, kitang kita niya ang excitement ng mag-asawa upang maiuwi ang pool sa kanilang mga anak

Kahit ano ay gagawin ng mga magulang para sa kanilang mga anak.

Imahe mula sa Facebook | Edrey Catorce

Ito ang napatunayan ng netizen na si Edrey Catorce nang masaksihan niya ang tuwa ng mga magulang habang isinasakay sa pedicab ang nabili nilang inflatable pool mula sa isang tiangge sa Calamba, Laguna.

Ibinahagi ni Edrey ang nakaaantig na tagpong ito sa isang Facebook post. “Nakatutuwang tingnan. Basta para sa anak, gagawin lahat [ng mga magulang] mapasaya lang sila kahit gaano man kahirap ang buhay,” saad niya sa post. “Tiyak matutuwa yung anak ninyo pag-uwi ninyo dahil sa pasalubong ninyo sa kanila.”

Kuwento pa ni Edrey sa Philippine Star, kita ang excitement sa mag-asawa na maiuwi ang pool sa kanilang tahanan kaya naman mas na-touch siya sa nakita. “Kita po sa mga ngiti nila yung saya paglabas nila ng [tiangge] parang gusto agad makauwi or maiuwi yung pool na binili nila.”

Imahe mula sa Facebook | Edrey Catorce

Maraming mga magulang ang naka-relate sa mag-asawa na kahit mahirapan, para lamang mapaligaya ang mga anak.

“I also bought one for my kids and seeing their happy smiles and laughter makes it all worth it,” pagbabahagi ni Rogelio D.

“Nakatutuwa talagang makasaksi ng ganiyan. Sana lang lumaking mababait na bata ang kanilang mga anak para maging worth it ang paghihirap ng kanilang mga magulang,” sabi naman ni Gynaika L.

Napansin naman ni Aljohn na hirap sa pagbitbit ang mag-asawa dahil naka-inflate na ang pool. “Smart move. Pinahanginan na nila para gamiting panangga sa init ng araw o baka wala silang panghangin sa bahay nila.”

Anong sakripisyo ng iyong mga magulang ang hindi mo malilimutan?

Loading…