Mag-asawang sweet na sumasayaw habang nag-eensayo ang anak na singer, kinakiligan

Imahe mula sa Facebook | Aljon Gutierrez
  • Marami ang kinilig sa mag-asawang nakuhanan ng video na sumasayaw habang nag-eensaya sa pag-awit ang kanilang anak
  • May mahigit limang milyong views na ang video na ito matapos na ibahagi ng singer na si Kris Lawrence
  • Hiling ng netizens, sana ay maging katulad sila ng mag-asawa sa video na kahit may edad na ay sweet pa rin sa isa’t isa

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang sweet moment sa pagitan ng mag-asawa na sumasayaw sa saliw ng kantang Kanlungan na inaawit ng kanilang anak.

Imahe mula sa Facebook | Aljon Gutierrez

Ibinahagi ng netizen na Aljon Gutierrez ang heartwarming video na ito sa kaniyang Facebook account. “Yung nagre-rehearse ka tapos sumayaw itong makulit na couple na ‘to. I love you so much, Mama Leny Gutierrez at Papa Ismael Gutierrez,” aniya sa kaniyang post.

July 2019 pa niya ito ipinost ngunit muli itong nag-trending at kinakiligan online. Isa si Aljon sa mga naging contender ng reality singing competition ng GMA 7 na The Clash.

Ibinahagi ito ng singer na si Kris Lawrence sa kaniyang Facebook page kaya naman marami ang naantig dito. Habang isinusulat ito ay may 128k reactions at 5.5 million views na ito.

Imahe mula sa Facebook | Aljon Gutierrez

“Ang sweet naman. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita natin ang ating mga magulang na hanggang pagtanda ay sweet pa rin,” sabi ni S. Villaverde.

Ang ilan naman ay pinuri ang husay ni Aljon sa pag-awit. “Wow, nice song at ang sweet ng parents niya. Masarap talagang mamuhay sa mundo na kasama ang mga magulang. Love this family. They are a good example,” komento naman ni Ofelia C.

Hiling naman ni R. Llanera, sana hanggang sa pagtanda nila ng asawa ay ganito pa rin sila ka-sweet. “Saludo po ako sa inyo at sa lahat ng mga mag-asawa na simula umpisa hanggang pag tanda ay walang pagbabago sa pagmamahalan. Bihira na lang kasi makakita ng ganiyan ngayon. Sana kami rin ng asawa ko hanggang sa pagtanda, walang magbago,” aniya.

Panoorin dito ang video:

Loading…