Magiging Kapuso na? Pokwang kontrobersyal ang paglaro sa ‘Bawal Judgmental’

Image capture of video by Eat Bulaga! via YouTube
  • Pagbisita ni Pokwang sa Eat Bulaga! naging kontrobersyal
  • Marami ang nagsabing baka lilipat na sa siyete ang komedyante
  • Ani ng isa, baka kunin siyang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin

Naging kontrobersyal ang pagbisita ng Kapamilya comedienne na si Pokwang sa Eat Bulaga! nitong Sabado at maraming haka-haka ang lumabas sa social media kagaya na lamang ng paglipat ng komedyante sa Kapuso channel.

Image capture of video by Eat Bulaga! via YouTube

Naging trending topic sa social media site na Twitter ang pagbisita ng komedyante sa “Bawal Judgmental” segment ng TV program.

Komento ng isang netizen, “Trabaho lang naman kasi ang showbiz at kailangang kumita. Ipagpatuloy ang buhay, kailangan mong mag-adjust at maghanap ng raket, dahil kung hindi ay makakalimutan ka ng mga tao.”

Sabi pa ng iba, baka kung tuluyang lilipat na si Pokwang sa siyete ay baka kunin siya ni Willie Revillame bilang co-host sa programang Wowowin.

Matatandaang ipinahinto ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng ABS-CBN noong Mayo dahil sa pag-expire ng prangkisa nito. Dulot nito, hindi na napapanood ang ABS-CBN sa free TV, at marami sa programa nito ay inilipat sa cable channel na Kapamilya Channel.

Natigil din ang taping para sa gag show na Banana Split kung saan kabilang sa cast ang komedyante, at nakansela ang seryeng Make It With You kung saan ginagampanan niya ang papel ni Jessica.

Image by Pokwang via Instagram

Sa pagbisita sa Eat Bulaga!, nagpasalamat si Pokwang sa programa sa pagkakataon at labis ang kasiyahan sapagkat muli umano siyang nakapag-ahit ng kili-kili at buhok sa ilong.

Hindi ito ang unang pagkakataon na bumisita si Pokwang sa Bulaga dahil pumunta rin siya noong 2019 sa programa para i-promote ang Mission Unstapabol: The Don Identity kung saan bumida siya kasama sina Vic Sotto at Jake Cuenca.

Naging host si Pokwang ng ilang programang nakatapat ng Eat Bulaga! kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey.

Panoorin ang pagbisita ni Pokwang sa EB:

Loading…