Mahabang kurdon ng phone charger, “abot hanggang kabilang barangay”

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang mahabang kurdon ng phone charger
  • Ayon sa post, aabot daw ito hanggang sa kabilang barangay
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

In-demand ngayon ang paggamit ng mga makabagong gadgets kagaya ng mga smartphones, tablets, laptops, at iba pang mga devices dahil na rin sa bagong sinusunod na arrangements ngayon kagaya ng “Work From Home” at ang nalalapit na online classes sa mga paaralan.

Lahat ng ito ay kinakailangang i-charge dahil pinaaandar ng kuryente. Minsan, nagkakaubusan ng mga outlet at extension wires sa loob ng bahay dahil sabay-sabay na nagcha-charge ang mga kasapi ng pamilya, lalo pa’t halos lahat ay nasa loob lamang ng bahay dahil nga sa umiiral pang community quarantines at hindi pa ipinapayong lumabas kung hindi naman talaga kinakailangan.

Public Domain Image

Kaya naman, kinatuwaan ang solusyon diyan ng isang netizen na ibinahagi sa Facebook page na “Rant.” Ayon sa post, hindi na niya magiging suliranin ang charging dahil may kurdon na siya ng phone charger. Mahaba ang kaniyang hawak na kurdon—at hindi lamang basta mahaba kundi mahabang-mahaba na inilarawan niyang “abot hanggang kabilang barangay!”

“Sinhaba na yata niyan ang relasyon namin hahaha,” biro ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow… saan nakakabili niyan? Mukhang pang-iPhone iyang charger na iyan ah. Yayamanin siguro ang may-ari niyan!”

“Gaano naman kaya kabilis ang charging niyan kung ganiyan kahaba? Hahaha,” kuwelang tanong naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Rant

Mahalaga ang pagcha-charge ng mga devices subalit kinakailangang mag-ingat din at huwag itong pababayaan, lalo pa’t mainit ang panahon ngayon kahit na pumasok na ang tag-ulan. Makabubuting suriing mabuti ang mga electrical wirings at outlets sa bahay upang matiyak na ligtas pa rin itong gamitin at hindi pagmulan ng aksidente, kagaya ng pagkakuryente o pagkasunog ng bahay.

Tiyakin ding ang mga saksakan at wire sa bahay ay hindi mababa ang kalidad. Maraming mumurahing mga kagamitan gaya ng extension wires at phone chargers na hindi dumaraan sa tamang proseso ng paggawa, kaya naman madaling masira, at nagdadala pa ng panganib.

Kung bibili ng phone chargers, tiyakin na ito ay lehitimo at may tatak mula sa Department of Trading Industry o DTI. Humingi rin ng resibo sa pinagbilhang gadget store upang maibalik o mapapalitan pa ito kung sakaling may sira o may problema sa paggamit nito.

Loading…