Mahihirap na mangingisda ng Navotas, makatatanggap ng libreng bangka

Image by DA BFAR F/B Pagbabago Livelihood and Development Program via Facebook
  • Makatatanggap ng libreng bangka ang mga mahihirap na mangingisda ng Navotas
  • Prayoridad ang mga mamamayang wala pang pag-aaring bangka at may tatlo o higit pang umaasa sa kanya
  • May kahalintulad ding programa na maaaring makuha sa iba pang lugar sa Pilipinas

Makatatanggap ng libreng bangka ang mga mangingisda sa lungsod ng Navotas bilang tulong pangkabuhayan ng pamahalaan para magkaroon sila ng makakain at mairaos ang pamilya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Image by Migi Naval via Facebook

Proyekto ito ng lokal na pamahalaan at tinawag na “NAVOBangkabuhayan” program kung saan prayoridad na mabibigyan ang mga pinakamahihirap sa mahihirap na mangingisda na wala pang pag-aaring bangka.

Fiberglass boats ang ipamamahagi na inaasahang tatagal ng 50 taon dahil sa mas matibay ang materyales. Mas may kabigatan ito kumpara sa bangkang gawa sa aluminum kaya’t mas kontrolado at hindi agarang nahihila ng hangin.

Karagdagan pang kuwalipikasyon para makatanggap nito ay ang pagiging rehistradong mangingisda at botante sa lungsod, maayos ang rekord sa komunidad, negatibo sa drug test, may kwalipikadong kasamahan na pupuwedeng maging co-owner ng bangka at nararapat makilahok sa paggawa ng bangka.

Prayoridad din ang mga residente na may tatlo o higit pang umaasa sa kanya.

Sakaling mayroon nang pag-aaring bangka, kailangang mapatunayan na sira o hindi na mapakinabangan ang bangka o walang kakayahan ang may-ari na maipasaayos ito.

Para sa ibang lugar, may kahalintulad ding programa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilalim ng programang FB Pagbabago kung saan mabibigyan ng libreng fiberglass boats ang mga mahihirap na mangingisda.

Image by DA BFAR F/B Pagbabago Livelihood and Development Program via Facebook

Layunin ng FB Pagbabago na maiangat ang economic status ng mga mangingisda sa pamamagitan ng mga matitibay na bangka at tamang kasangkapang pangisda na siyang magdudulot ng sapat na suplay ng isda sa merkado at kita para sa pamilya.

Dalawa ang magma-may-ari ng isang bangka at kailangan nila itong pakaingatan. Bawal itong ibenta.

“My brother and I are just working as crew of a boat owner and so we are not really getting a big share out of our fish catch,” sabi ng isang FB Pagbabago beneficiary na si Pedro Tuazon ng Antique.

Image by DA BFAR F/B Pagbabago Livelihood and Development Program via Facebook

Loading…