Mango Graham Float na kinatamaran, nagbunsod ng katatawanan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang larawan na nagpapakita ng “Mango Graham Float”
  • Hindi kasi maayos ang pagkakasalansan ng mga Graham crackers at mangga sa naturang dessert
  • Tila ito ay kinatamarang gawin ng taong gumawa nito

Isa sa mga paboritong dessert ng mga Pilipino ang “Mango Graham Float.” Bukod sa madali lamang itong gawin, madali ring hanapin ang mga pangunahing sangkap nito katulad ng mangga, cream, gatas, at ang Graham crackers. Katulad ng ibang mga resipe, may sinusunod ding mga hakbang sa tamang paggawa nito.

Kaya naman, nagbunsod ng katatawanan sa mga netizens ang larawan ng mango float na tila kinatamaran ng gumawa nito, dahil hindi man lamang inayos ang pagkakasalansan ng mga Graham crackers gayundin ng mga sliced mango rito. Makikita ito sa Facebook page na “Papa.”

Imahe mula sa Facebook page na Papa / Public Domain Image

Nakasaad sa caption, ” For sale mango float kayo na mag-arrange wala ako sa mood.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hahahaha literal na float kasi lumulutang-lutang ang mga labo-labong Graham crackers at mangoes. Sino kayang gumawa nito na wala sa mood? Sa tingin mo ba may bibili niyan hahahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Parang galit sa mundo ang gumawa niyan hahahaha.”

“Grabe ang mango float na ito, sobrang tamad na tamad naman. Hehehehe,” sabi naman ng isa.

Paano ba ito gawin?

Madali lamang ang paggawa ng mango float. Una, kailangan mo munang kumpletuhin ang mga sangkap kagaya ng hinog na mangga (huwag maasim!), whipping cream, condensed milk, at ang Graham crackers. Kumuha rin ng malaking lalagyanan kung saan ilalagay ang mango float.

Para naman sa mga hakbang ng paggawa nito, hugasan at balatan ang mga hinog na mangga. Tiyakin na ang pagkakahiwa ay pahaba. Ilatag ang Graham crackers sa lalagyanan at ipatong ang mangga. Ibuhos ang cream gayundin ang condensed milk.

Public Domain Image

Ulit-ulitin lamang ang mga hakbang na ito hanggang sa magkaroon ng layer. Sa pinakaibabaw, ilagay ang Graham crushed. Palamigin sa refrigerator upang maisilbi na sa pamilya kapag malamig na ito.

Matapos ang mango pizza, netizen ibinahagi ang paggawa ng “Mango SkyFlakes Float”

Samantala, isang netizen naman na nagngangalang “Janelle Marasigan-Custodio” ang gumawa ng Mango “SkyFlakes Float” sa halip na Graham crackers ang kaniyang ginamit. Mas masarap umano ito dahil naghahalo ang lasang tamis at alat.

Try natin!

Loading…