Marvin Agustin natutong mag-bake dahil sa lockdown, kumikita na ngayon sa kanyang cake creations

Imahe mula sa Instagram account ni Marvin Agustin
  • Mga restaurant ni Marvin Agustin apektado ng COVID-19 pandemic
  • Habang naka-quarantine ay nag-aral siyang mag-bake
  • Dagsa na ngayon ang order ng cake creations ng dating matinee idol

Kilala ang dating popular matinee idol na si Marvin Agustin bilang isang negosyante na tagumpay na nagpapatakbo ng ilang restaurants. Ngunit tulad ng maraming negosyo, apektado rin ng COVID-19 pandemic ang mga restaurants niya na isinara dahil sa lockdown.

Imahe mula sa Instagram account ni Marvin Agustin

Sa kabila nito, nakatuklas si Marvin ng panibagong pagkakakitaan – ang pagbe-bake ng cakes at breads.

Aniya, natuto lang siyang mag-bake nang magpatupad ng community quarantine sa bansa.

“Natuto ako mag-bake dahil sa quarantine. Thank you sa YouTube at Google,” aniya sa isang socmed post.

Intimidated daw siya noon sa baking dahil masyado iyong precise at makonsumo sa oras.

“Kailangan mag-survive. I’ve been cooking and selling before, but I was initially intimidated with baking. It’s so precise. It takes so much of your time. With cooking, you can simply trust your taste buds. Tantsahan lang. Baking is like photography. You don’t have the chance to check until the finished product. You have to trust the process and do it right,” paliwanag niya.

Noong una raw ay ipinamimigay lang niya sa mga kaibigan ang mga cake na ginagawa. Nagustuhan naman daw ng mga ito ang ginawa niya. ‘Di nagtagal ay may mga order na raw na pumasok.

Imahe mula sa Instagram account ni Marvin Agustin

Banana bread daw ang una niyang ginawa, pero nagsawa raw siya agad sa paggawa nito at sinimulang gumawa ng bersiyon niya ng carrot cake na tinawag niyang “kerot loaf cake” na may walnuts, chocolate chips at cream cheese. Gumawa na rin siya ng chocoloate chip cookies.

Masaya na raw siya noong una sa 20 hanggang 25 na order. Pero, nang dumagsa ang mga order, naisip niya na kailangan na niyang kumuha ng makakatulong.

Imahe mula sa Instagram account ni Marvin Agustin

Tiyempo naman daw na ang dati nilang baker na nagtrabaho sa cruise ship ay umuwi dahil apektado rin ng pandemic ang cruise industry.

Ngayon ay dalawa na silang nagtutulong upang kayanin ang mga orders na aniya ay tumataas tuwing makalawang araw. Noong nakaraang araw lang daw ay 270 breads at cakes ang ginawa nila.

Bukod sa pagbe-bake ng mga cake, paminsan-minsan ay siya na rin ang nagde-deliver ng mga order na lalo namang ikinatutuwa ng mg customers.

Imahe mula sa Instagram account ni Marvin Agustin
Source :

Push, ABS-CBN

Loading…