Mass gatherings sa universities at colleges, pinayagan na sa MGCQ areas

Image by Harry Roque via Facebook
  • Mass gatherings sa higher educational institutions, pinayagan na ng IATF sa MGCQ areas
  • Kinakailangan pa ring sumunod sa mga umiiral na MGCQ guidelines
  • Pinahintulutan na rin ang face-to-face TVET training classes sa mga nasa-ilalim ng MGCQ

Binigyang pahintulot na ng pamahalaan ang pagtitipon o mass gatherings sa mga unibersidad at mga kolehiyo sa bansa sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Imahe mula sa PCOO

Nasasaad ang pagpayag na ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa amendments na isinagawa nito sa Omnibus Guidelines on Community Quarantine na nasasaad sa Resolution No. 47.

Pero paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kinakailangan pa ring sumunod sa mga umiiral na patnubay sa ilalim ng MGCQ.

“Pinayagan na rin ang mass gatherings sa higher educational institutions (HEIs), ngunit kailangan silang sumunod sa existing guidelines sa ilalim ng MGCQ,” ani Roque sa Laging Handa press briefing.

Nauna nang sinabi ng gobyerno na pinapayagan nila ang mass gatherings sa mga nasa MGCQ pero hanggang kalahati lamang ng kapasidad ng venue. Bawal pa ang mass gatherings sa higher educational institutions sa naunang pahayag, na pinayagan na sa panibagong anunsyo.

Karagdagan pang inanunsyo ng Presidential Spokesperson ang pagpayag sa face-to-face TVET training classes sa mga nasa-ilalim ng MGCQ pero hanggang 50% lamang ng kapasidad.

Kinakailangan ding nakasunod sa minimum health standards, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) guidelines, at konsultasyon sa lokal na pamahalaan.

Image by TESDA via Facebook

Mababasa sa IATF resolution na pinapayagan nila ang [1] full online/e-learning trainings, [2] lahat ng traning program na may kinalaman sa agriculture/fisheries qualifications para sa food production processing, at [3] e-learning component ng blended learning para sa TVET.

Pinahihintulutan din ang [4] dual training system, enterprise-based training, at in-plant training in establishments na pinapayagang mag-operate sa ilalim ng GCQ, at [5] virtual assessment and portfolio assessment sa pamamagitan ng electronic means para sa karampatang TVET qualifications.

Image by TESDA via Facebook

Loading…