Matapos ang mango pizza, netizen ibinahagi ang paggawa ng “Mango SkyFlakes Float”

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang recipe na “Mango SkyFlakes Float”
  • Hindi raw kasi siya nakahanap ng Graham crackers na madalas na ginagamit sa paggawa nito
  • Siya rin ang gumawa ng “Mango Pizza” na ibinatay lamang sa paglalarawan ng kaniyang mga kaibigang nakatikim na nito sa isang restaurant sa Guimaras

Tunay na malikhain ang mga Pilipino pagdating sa maraming bagay, at isa na rito ang pagtuklas sa mga bagong lasa at presentasyon ng mga tipikal o nakasanayang pagkain. Katulad na lamang ng isang gurong si Janelle Marasigan-Custodio na gumawa ng sariling “mango pizza” habang nasa bahay dahil sa community quarantine.

Sarap na ‘di bitin! Netizen, gumawa ng ‘mango pizza’ sa panahon ng community quarantine

Hindi pa natatapos diyan ang “imbensyon sa recipe” ni Teacher Janelle. Matapos ang mango pizza, ibinahagi naman niya sa kaniyang Facebook post ang kaniyang ginawang “Mango SkyFlakes Float” na malayo sa madalas na ginagamit na “Graham crackers”.

Imahe mula sa Facebook account ni Janelle Marasigan-Custodio

Ayon sa kaniyang caption, “Something NEW is the trend this #NewNormal era! Mango SkyFlakes Float kayo diyan!”

Ibinahagi rin niya ang mga pangunahing sangkap at mga hakbang sa paggawa nito.  Para sa sangkap, “You need 1.6 small packs of SkyFlakes, 2.1 big can of Alaska Crema Asada and  3.4 pieces of mangoes.”

Inilatag din niya ang mga hakbang sa paggawa nito.

“First, peel and cut the mangoes. After that, layer the SkyFlakes crackers. Next, place mangoes and pour Alaska Crema Asada. Then, repeat steps 2 and 3. Finally, for the top layer, garnish with crushed Skyflakes crackers,” aniya.

Ayon sa kaniya, libangan talaga niya ang pagluluto at paggawa ng iba’t ibang mga mouth-watery desserts kagaya nito. Noong una, Graham crackers talaga sana ang gagamitin niya, ngunit wala silang mahanap na stock nito sa mga grocery stores at supermarkets dahil mabilis na naubos dulot ng ECQ. Kaya ginamit na lamang niya ang SkyFlakes crackers na nasa kanilang bahay.

Public Domain Image

“Reason for making: Noong ECQ wala akong mahanap na Graham huhuhu nagkaubusan, SkyFlakes lang meron sa bahay at natatakot na akong maglalalabas kasi baka mahawaan ng sakit. So I thought of making one para kakaiba ang lasa. Kako baka mag-complement kasi matamis then maalat,” aniya.

At hindi nga siya nagkamali. Talaga namang masarap ang naging finished product ng kaniyang Mango SkyFlakes Float!

Ang SkyFlakes crackers ay isa sa mga paboritong biskuwit ng mga Pilipino simula pa noong 1960 hanggang kasalukuyan. Ito ay gawa ng Monde MY San Corporation na may likha rin ng iba’t ibang mga produktong tinatangkilik ng mga consumer gaya ng mga noodles at ibang mga biskuwit.

Loading…