Matatandang church volunteers na vulnerable sa COVID-19 infection papalitan ng mas nakababata

  • Mga matatandang church volunteers ng Catholic Church papalitan ng mga mas nakababata
  • Ang bagong patakaran ay bilang paghahanda ng Simbahang Katoliko sa pagbubukas ng mga simbahan kapag umiral na ang new normal
  • Sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na makapaglilingkod pa rin ang mga matatanda sa pamamagitan ng pagdarasal kahit nasa bahay

Nangangailangan ng mga mas nakababatang volunteers para sa church services ang Archdiocese of Manila kapalit ng mga matatandang church volunteers. Ito ay upang maiwasan ang hindi kinakailangang exposure ng mga matatanda sa COVID-19 infection.

Imahe mula sa CBCP News

Ang paghahanap ng mas batang church volunteers ay inirekomenda ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) bilang bahagi ng policy guidelines ng Simbahang Katoliko sa inaasahang pagbubukas ng mga simbahan kapag umiral na ang “new normal.”

“We have to train younger Extraordinary Ministers of Holy Communion (EMCHs).  Our EMHCs are elderly and, therefore, are the ones vulnerable to the virus. Care is to be exercised in this regard not to expose them to the infection of the virus,” pahayag ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles.

Sinabi ni Manila Auxilliary Bishop Broderick Pabillo, na siya ring apostolic administrator ng Archdiocese of Manila, bilang pagsunod sa panuntunan ng Department of Health ay hindi muna papayagang magbigay ng serbisyo sa simbahan ang mga matatandang volunteers.

Pansamanatala lang naman umano ito, habang umiiral pa rin sa bansa ang COVID-19 crisis.

“My dear elderly parish volunteers, even as we appreciate your willingness and good intention to serve, we are also concerned about your health and the health of your family. Please make this sacrifice, and I know for many it is a sacrifice, not to serve in the liturgical services until this pandemic is over,” ani Bishop Pabillo.

Imahe mula sa CBCP News

Hiniling ni Bishop Pabillo sa mga matatandang lay volunteers na mag-recruit ng isa o dalawang mas batang volunteer na papalit sa kanila sa simbahan.

Maaari pa rin naman umanong maglingkod ang mga matatanda sa pamamagitan ng pagdarasal habang nasa kanilang mga tahanan.

Loading…