May tanim din ba kayong “snake plant” sa inyong bakuran?

  • Isa sa mga hindi pinapansing halamang ornamental ang mga “snake plants”
  • Mahal pala ang presyo nito sa ibang bansa, samantalang dito sa Pilipinas ay binabalewala lamang
  • May hatid na mga benepisyong pangkalusugan ang halamang ito

Minsan, sa labis na kaabalahan natin sa mga bagay–bagay na nangyayari sa ating buhay, nakalilimutan na nating saglit na huminto at pagmasdan ang kalikasan sa ating paligid. Hindi natin napapansin na may mga nakatanim palang halaman sa ating mga bakuran, na maaaring binabalewala natin subalit mahal pala ang halaga sa ibang bansa. Isa na riyan ang ornamental na halaman na “snake plant.”

Sa Facebook page na “Papa,” hindi makapaniwala ang mga netizens na mahal pala ang presyo o halaga nito sa ibang bansa, batay sa tag price na nakalagay sa ibinahaging larawan nito.

Ayon sa caption, “Ano kaya meron sa halaman na ito? Ang dami–dami nito sa bahay eh!”

Imahe mula sa Facebook page na “Papa” / Public Domain Image

Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens.

Sabi ng isa, “Keep this plant in the bedroom, because it converts CO2 (carbon dioxide) into oxygen at night.”

“Air purifier po kasi ang snake plant and mostly mga bahay sa abroad they have that kind of plant. Dito sa Pilipinas, binabalewala lang iyan minsan,” turan naman ng isa.

Komento naman ng isa, “Now I know why my grandmother is taking care of those plants in our home. Medyo pricy pala iyan sa ibang bansa. Medyo hindi iyan pinapansin ng karamihan dito sa Pilipinas, maliban na lang kung talagang mahilig sa paghahalaman ang tao.”

Ang snake plant o Dracaena trifasciata ay kadalasang natatagpuan sa mga bansang tropikal, particular sa Kanlurang Africa, mula sa Nigeria hanggang Congo. Ito ay maaaring itanim sa mga bakuran, o maaari din naman sa mga paso bilang indoor plants. Tinawag itong snake plants dahil sa kulay ng panlabas na dahon nito, na maihahalintulad sa balat ng ahas.

Public Domain Image

May hatid na benepisyo sa kalusugan ang pagtatanim ng snake plants. Ayon sa lumabas na pag-aaral ng Harvard University, ito ay “most oxygen-producing houseplant.” Mahusay rin itong magtanggal ng air pollutants at sumisipsip ng carbon dioxide tuwing gabi. Mabisa rin umano itong makapagpabawas ng posibilidad na atakihin ng allergies ang isang tao. Nagdudulot din ito ng good vibes sa taong makakikita nito dahil sa unique nitong anyo.

Ano pang hinihintay mo? Simulan na ang pagtatanim ng snake plant sa inyong bakuran!

Loading…