Mayor ng Balanga, Bataan namigay ng laptop at flashdrives para sa pagbabalik-eskuwela

  • May libreng laptops at flash drives ang mga DepEd officials, school heads at mag-aaral sa Balanga, Bataan
  • Ito ay bilang paghahanda para sa online classes na magbubukas na sa Agosto 24, 2020
  • Ang kasalukuyang mayor nito ay si Mayor Francis Garcia

Namahagi ng mga makabagong kagamitan si Balanga, Bataan Mayor Francis Garcia upang magamit sa pinaghahandaang online classes sa darating na Agosto 24, 2020, bilang bahagi ng pakikiangkop sa tinatawag na “New Normal”.

Ayon sa ulat ng opisyal na Facebook page ng Department of Education sa Balanga, namahagi ng mga laptops at flash drives ang butihing mayor na magagamit para sa mga online teaching at learning sa naturang lungsod. Ang mga nabiyayaan ay DepEd officials, school heads, at mga mag-aaral.

Imahe mula sa Facebook page ng DepEd Balanga Bataan

“Mayor Francis procured 80 laptops and a hundred of USB’s to prepare DepEd Officials to the New Normal,” ayon sa post.

Sa pagpapatuloy, “After a month of lockdown when meetings and conferences are done via Zoom, Google Meet, or Microsoft Team, the City Government of Balanga thru the leadership of Mayor Francis Garcia prepared the SDO of Balanga City for the ‘NEW NORMAL’.”

“OIC-SDS, Dr. Ronnie S. Mallari, immediately accepted and distributed the 30 Lenovo Laptops to all the School Heads, Chiefs, Education Program Supervisors, and Department Heads right at their doors. Likewise, all learners who are re-studying their unmastered competencies in their summer classes were given free 32 Gb flash drives and 64 Gb for their teachers,” dagdag pa.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Bagama’t may mga pumupuri, may ilan ding nagsabing dapat ay mas inunang binigyan ang mga guro, na direktang magsasagawa ng online teaching sa mga mag-aaral.

Imahe mula sa Facebook page ng DepEd Balanga Bataan

“Wow! Very supportive naman ng Mayor ng Balanga. May your tribe increase Mayor!” papuri ng isa.

Palagay naman ng isa, “I don’t think some of them who received the laptops didn’t have their own laptop already. Maybe they should check who should really be given.”

“Dapat sa mga teachers ibigay kasi sila yung talagang nangangailangan ng mga laptops,” pahayag naman ng isa.

Komento naman ng isa, “Sana all! Sana ganiyan din ang gawin ng mayors ng ibang teachers. Kailangan na po talaga ng laptops at stable internet connection para maisagawa ang online classes.

Kudos sa lokal na pamahalaan ng Balanga, Bataan para sa inisyatibang ito!

Loading…