Mayor Vico Sotto, nakakuha ng pinakamataas na satisfaction rating sa pagtugon sa COVID–19 pandemic

  • Si Pasig City Mayor Vico Sotto ang nakakuha ng pinakamataas na satisfaction rating hinggil sa pagtugon ng isang punong–bayan kaugnay ng mga suliraning idinulot ng pandemya
  • Ang mga naging respondente ay kanilang mga nasasakupan
  • Pinakamababa naman si Las Piñas City Mayor Mel Aguilar

Nakakuha ng pinakamataas na satisfaction ratings si Pasig City Mayor Vico Sotto sa lahat ng Metro Manila local government mayors pagdating sa pagresponde at pagtugon sa suliraning hatid ng COVID-19 pandemic sa bansa, batay sa survey na isinagawa ng RLR Research and Analysis.

Nakakuha ng 97% si Pasig City Mayor Vico Sotto mula sa kaniyang mga nasasakupan, at pumapangalawa naman sa kaniya si Marikina City Mayor Marcy Teodoro na may satisfaction rating na 95%. Sumusunod naman si Pateros Mayor Ike Ponce na may 94%, at sina Manila City Mayor Isko Moreno at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na parehong may 92%.

Public Domain Image

Sunod naman ay sina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos na may 90%, Muntinlupa City Mayor Jimmy Fresnedi na may 84%, San Juan City Mayor Francis Zamora na may 83%, Caloocan City Mayor Oca Malapitan na may 82%, Taguig City Mayor Lino Cayetano na may 78%, Navotas City Mayor Toby Tiangco na may 70% kapareho si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Samantala, nasa “bottom five” naman sina Makati City Mayor Abby Binay na may 69%, Pasay City Mayor Emi Calixto–Rubiano na may 68%, Malabon City Mayor Len Len Oreta III na may 52%, Quezon City Mayor Joy Belmonte na may 47%, at Las Piñas City Mayor Mel Aguilar na may 46%.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Very deserving Mayor of Pasig, he does his work well and as expected by his constituents!!! MORE POWER MAYOR VICO!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “I think it is unfair for Makati’s Abby Binay. For someone locked up in Makati, I saw the efforts of Mayora to deliver. Oh well, ganoon talaga perception and media exposure is the key.”

Public Domain Image

“The results are based from the responses of people/respondents who are residing on their respective cities. Hence, residents from other cities shouldn’t question Vico’s ratings because that’s how Pasigueños feel about him. Maybe, if you have doubts, ask your neighbors instead,” pahayag naman ng isa.

Ang resulta umano ng survey na ito ay batay sa mga respondente ng bawat lungsod at munisipalidad, kaya hindi dapat maghambing ang mga tao sa kung sino ang pinakamataas at kung sino ang pinakamababa.

Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…