Megan Young sasabak sa online gaming tournament, kikitain sa livestreaming ido-donate sa foundation

  • Megan Young, sasabak sa online gaming tournament para makalikom ng pondo para sa LGBTQ+ community
  • Makatutunggali niya si Red Fernandez, isang online gamer at member ng LGBTQ+ community
  • Ang “Versus: TaskUs Battles” ay ila-livestream sa TaskUs PH Facebook page sa June 19, alas-sais ng gabi

Maraming Pinoy celebrities ang certified online gamers tulad nina Alodia Gosiengfiao, Myrtle Sarrosa, James Reid, Mikael Daez at Alden Richards na kamakailan lang ay naka-livestreaming pa ang paglalaro upang ipakita sa lahat kung gaano siya kahusay na gamer.

Imahe mula sa Instagram account ni Alden Richards

Si Mikael Daez naman ay mahilig noon maglaro ng single-player mode sa mga online games pero simula nang pinag-isang dibdib sila ni Megan Young, ang kauna-unahang Pinay na nakasungkit ng korona ng Miss World noong 2013, ay silang dalawa na ang madalas magkalaro.

Mahilig rin pala si Megan sa online games. Sabi niya sa isang post sa Instagram, stress reliever niya ang paglalaro nito – nakakakalma raw.

“We’ve all had different ways of coping and my outlet has been through gaming it’s been calming me down but it’s also helped in reconnecting with some friends who now use gaming as a stress reliever too,” sabi ni Megan.

Ang pagiging avid gamer ng beauty queen ay magagamit niya ngayon sa pagbibigay ng suporta sa kanyang equality advocacy para sa LGBTQ+ community.

Kalahok si Megan sa “Versus: TaskUs Battles,” isang exhibition online gaming tournament na binuo para makalikom ng pondo para sa LGBTQ+ community. Tinagurian itong “e-sports exhibition game for a cause.”

Imahe mula sa Instagram account ni Megan Young

Ang kikitain sa livestreaming ng tournament ay ido-donate sa LoveYourself, Inc., isang organisasyon na nagsusulong ng HIV awareness.

Makatutunggali niya ang TaskUs employee at online gamer na si Red Fernandez, miyembro ng LGBTQ+ community.

“I’ve been learning about HIV awareness and I want to help end the stigma surrounding these conversations,” sabi ni Megan.

Ang kompetisyon ay ila-livestream alas-sais ng gabi sa Biyernes, June 19, sa  TaskUs PH Facebook page.

Imahe mula sa TaskUs PH Facebook page

Loading…