Meme no more: Juan Ponce Enrile nakipagkulitan sa TikTok video kasama ang grupo ng mga dinosaur

  • Patok sa netizens ang video ni Juan Ponce Enrile kasama ang grupo ng mga dinosaur
  • Sa video na ibinahagi ng apo nitong si Kris Ponce-Enrile sa TikTok, makikitang labis ang pagka-enjoy ng dating senador habang pinapanood ang mga ito
  • Nakipag-high-five pa siya sa mga dinosaur habang tumutugtog ang background music na siyang theme song ng pelikulang Jurassic Park

Tila naging walking meme na para sa karamihan ang dating senador na si Juan Ponce Enrile.

Imahe mula kay @krisponceenrile | TikTok

Marami kasi ang patuloy na naaaliw sa mga nagsusulputang larawan kaugnay sa haba ng buhay at mga pinagdaanang panahon ng 96-anyos na politiko.

Sa social media, nagsilbing daan naman ang mga sumikat na memes ni Enrile upang makapaghatid siya ng saya sa netizens sa gitna ng nararanasang problema ng bansa.

Sa ibinahaging video ng apo nito na si Kris Ponce-Enrile sa TikTok, makikita ang magiliw na pakikipagkulitan ng dating senador sa grupo ng mga taong nakasuot ng dinosaur costume.

“Y’all were looking for browny so here we are,” sabi ni Kris sa caption ng post.

Pinatunayan ni Enrile na kaya niyang makipag-high-five sa mga ito at makipagtawanan kasama ang kaniyang mga “alaga at kaibigang dinosaurs.”

Lalo pang kinaaliwan ang video dahil sa background music nito na siyang theme song ng pelikulang Jurassic Park.

Marami rin ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa video ng dating mambabatas.

“Happy to see you po senator! Stay safe po,” sabi ni FRO sa comment section ng Facebook post ng anak ni Enrile na si Katrina Ponce-Enrile.

I-click lamang ang imahe para sa @krisponceenrile | TikTok video

“Haha! Super cute! Tama ka, nakaka-good vibes! Thanks Sen. JPE for being such a good sport!” pahayag naman ni RR.

“Hahahaha. This is awesome. Expect a lot of great memes coming out of this!” sabi pa ni HDB matapos mapanood ang nakaaaliw na video ni Enrile.

Loading…