Metro Manila ibabalik sa mas mahigpit na quarantine kung patuloy na dadami ang COVID-19 cases

  • Simula sa ika-16 ng Hunyo ay posibleng magkaroon ng reclassification ng quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa
  • Ang Metro Manila ay isasailalimpa sa mas masusing obserbasyon dahil ito ang epicenter ng COVID-19 sa bansa
  • Posibleng manatili ang Metro Manila sa GCQ o bumalak sa mas mahigpit na modified ECQ
  • Maaari rin namang bumaba sa pinakamaluwag na modified GCQ ang Metro Manila depende sa datos ng COVID-19 cases

Nag-anunsyo ang Malacañang na sa ika-15 ng Hunyo ay posibleng magkaroon muli ng reclassification ng quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa, ngunit ang Metro Manila ay isasailalim  pa sa mas masusing obserbasyon.

Imahe mula sa Pinoy Box Break

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque noong Lunes, June 8, ang classification ng quarantine na ipinatutupad sa bansa ay flexible at maaaring magbago depende sa datos ng kumpirmadong COVID-19 cases.

“As I said, lahat ng desisyon ng IATF (Inter-Agency Task Force), whether or not to graduate to the next regime in the case of Metro Manila, to a MGCQ (modified general community quarantine), is always dependent on data. Tinitignan natin ang case doubling rate. Tinitignan po natin ang critical care capacity,” sabi ni Roque sa isang virtual press briefing.

Kung patuloy ang pagkakaroon ng COVID-19 cases sa Metro Manila ay maaaring manatili pa rin ito sa general community quarantine (GCQ) o kaya naman ay ibalik sa mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (modified ECQ).

Posible rin na bumaba ito sa pinakamaluwag na quarantine classification – ang modified GCQ – depende sa datos ng COVID-19 cases.

Kailangang pag-aralang mabuti ang Metro Manila dahil ito ang epicenter ng COVID-19 sa bansa, ayon sa tagapagsalita ng Pangulo.

Imahe mula sa PCOO

“If it (bilang ng COVID-19 infections) increases, of course, there is a possibility that we won’t graduate to the next phase…If the trend continues, either we will remain under GCQ or we may go back to modified ECQ.

Sa Huwebes, ika-11 ng Hunyo, ay muling magkakaroon ng meeting si Pangulong Rodrigo Duterte at ang IATF na gaganapin sa Davao City. Ang mga pagbabago sa quarantine classifications ay magiging epektibo sa June 16.

Loading…