Mga face masks at iba pang medical gears na gawa sa copper fiber sheet, nilikha ng dalawang kompanya sa Japan

  • Nanguna ang dalawang kompanya sa Japan sa paglikha ng mga face masks at iba pang medical gears na gawa sa copper fiber sheet
  • Batay kasi ito sa lumabas na pag-aaral na nagtatagal lamang ng apat na oras ang COVID-19 at iba pang mga virus at bacteria sa copper
  • Nagsanib-puwersa ang Gunma University Development and Innovation o GUDi at Meisei Industry Co. sa pagbuo nito

Isa sa mga precautionary measures na nararapat sundin at isagawa ng lahat ay ang pagsusuot ng face mask upang maiwasan ang pagkahawa o paghawa ng COVID–19 sa iba. Tila magiging bahagi na nga ito ng pang-araw-araw na kasuotan ng mga tao hangga’t wala pang natutuklasang mabisang lunas o vaccine laban sa virus.

Kaya naman ang bansang Japan, bilang isa sa mga progresibong bansa, ay nagkaroon ng isang inobasyon sa pagbuo ng face mask at iba pang mga medical gears. Isang kompanya sa bansang ito ang nakaisip na lumikha ng mga face masks at iba pang daily items mula sa copper, batay sa Facebook post ng opisyal na FB page ng Japan government.

Imahe mula sa official Facebook page ng Japan Governmenta

“According to an NIH study, #NovelCoronavirus may survive for 2 to 3 days on plastic but is only active for 4 hours on copper. By enhancing copper’s well-known antimicrobial properties with a photocatalyst, Gunma University spin-off GUDi and copper foil thread maker Meisei Industry have jointly developed a copper fiber sheet which can be used for masks and other daily items,” ayon sa caption.

Positibo naman ang reaksyon at komento rito ng mga netizens.

“Thank you Japan! Here in the US we get completely different information every day from government as well as news agents. I appreciate your diligence!” sabi ng isang netizen na naninirahan sa America.

Tanongnaman ng isa, “Is this available in the market now? Where can we buy this line of products? This is absolutely amazing!”

“Japan… why so innovative? Keep it up and share the knowledge!” pahayag naman ng isa.

Nagsanib-puwersa ang Gunma University Development and Innovation o GUDi at Meisei Industry Co. sa pagbuo ng mga face mask na may copper fiber sheet.

Imahe mula sa official Facebook page ng Japan Government

“The material used breaks new ground for preventing mass outbreaks of the virus, and we would like to have it out there soon,” ayon kay Hideyuki Itabashi, executive chairman ng GUDi at propesor sa Gunma University.

Loading…