Mga kumpiskadong “cuatro cantos” ginawang pang-disinfect sa kalsada, mga sasakyan sa Benguet

  • Halos isang libong bote ng cuatro cantos na gin ang nakumpiska sa Itogon, Benguet
  • Umiiral pa rin ang liquor ban sa nasabing bayan kahit isinailalim na ito sa general community quarantine
  • Ginamit na pang-disinfect ng paligid ng munisipyo at mga sasakyan ang mga nakumpiskang cuatro cantos

Nangamoy ginebra raw ang buong Itogon; pabirong sabi ng ng mga residente ng nasabing bayan sa Benguet matapos gawing disinfectant ang halos isang libong bote ng “cuatro cantos” na nakumpiska dahil sa umiiral doong liquor ban.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Victorio Palangdan

Sinabi ni Itogon Mayor Victorio Palangdan, na nanguna sa pag-spray ng gin sa municipal grounds at mga sasakyan na pag-aari ng lokal na pamahalaan, na umabot sa 40 kahon o 960 bottles ng 2×2 Ginebra San Miguel ang nakumpiska sa mga violators simula nang ipatupad ang ban.

“Turned over by PNP Itogon the confiscated 40 cartons / 960 bottles of 2×2 gin from several liquor ban violators during community quarantine. To make good use of it, local officials initiated the disinfection of the municipal grounds using the confiscated bottles of gin,” post ng alkalde sa kanyang social media account noong Sabado, June 13.

Ang layunin daw ng kanilang ginawa ay upang ipaalala sa mga mamamayan ng Itogon na patuloy pa ring umiiral ang pagbabawal sa tagayan sa kanilang bayan.

“Main objective of this is to remind everyone that the liquor ban in our municipality is still in effect. Violators will be apprehended,” ayon pa kay Mayor Palangdan.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Victorio

Dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng ban sa 13 municipalities ng Benguet at kalapit na Baguio City ay maraming mga mapagsamantalang negosyante ang palihim na nagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto sa napakamahal na presyo.

Ang ginebra umano ang paboritong inumin ng mga manggagawa hindi lang sa Itogon, kundi sa buong Cordillera Region.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Victorio Palangdan

Loading…