Mga lumahok sa Pride March sa Mendiola dinampot ng mga awtoridad

Screenshot mula sa video ng Twitter user na si JL Javier
  • Mga lumahok sa Pride March sa Maynila na nagprotesta laban sa anti-terror bill, pinagdadampot ng mga awtoridad
  • Lumabag umano ang mga ito sa guidelines ng GCQ tulad ng pagbabawal sa mass gathering
  • Kinondema ng iba’t ibang sektor ang paghuli sa ngayon ay tinaguriang Pride20

Pinagdadampot ng mga operatiba mula sa Manila Police District (MPD) ang mga lumahok sa Pride March na isinagawa sa Mendiola Street sa Maynila noong Biyernes, June 26, upang isatinig ang kanilang pagtutol sa nasabing  bill.

Screenshot mula sa video ng Twitter user na si JL Javier

Kabilang sa mga hinuli ang sampung miyembro ng LGBTQ+ rights group na Bahaghari, walo mula sa mga kaalyadong grupo at dalawang driver. Dinala sila sa MPD headquarters sa United Nations Avenue sa Ermita, Manila.

Sinampahan ang mga ito, na ngayon ay tinatawag na “Pride20,” ng kasong disobedience to person in authority in relation to Republic Act 11332, na kilala bilang “Law on Reporting of Communicable Diseases” at paglabag sa Batas Pambansa 880, na kilala bilang Public Assembly Act.

Ayon sa Bahaghari, kabilang sa mga dinampot ng pulisya ang kanilang tagapagsalitang si Rey Valmores-Salinas.

Batay sa mga kumalat na video, ayaw sumagot ng mga pulis nang tanungin kung ano ang nilabag ng mga nagsagawa ng protesta na diumano ay nakasuot ng face masks at sinunod ang physical distancing.

Sa isang panayam, sinabi ni Police Brig. Gen. Rolly Miranda, MPD chief,  na hinuli ang mga raliyista dahil walang permit ang mga ito at lumabag sa guidelines ng general community quarantine.

Imahe mula sa League of Filipino Students

Sabi naman ni Police Captain Arnold Echalar, Manila Police District General Assignment and Investigation Section chief, nilabag ng mga ito ang pagbabawal sa mass gathering.

Ayon pa kay Echalar, ang nag-trigger daw sa pagdampot sa mga nagpoprotesta ay nang mag-spray ng likido sa pulis ang isa sa mga protesters.

Kinondena ng marami, kabilang na ang mga human rights groups at mga celebrities, ang ginawang aksyon ng mga operatiba ng MPD laban sa Pride20.

Imahe mula sa Bahaghari Facebook page

Loading…