Mga paaralan sa Beijing muling ipinasara dahil sa bagong COVID-19 cases

Imahe mula sa CGTN
  • Muling nagkaroon ng mga COVID-19 cases sa Beijing
  • Ipinasara na ng lokal na pamahalaan ng Beijing ang lahat ng mga paaralan, sports at entertainment venues
  • Pinaniniwalaang nagmula sa Xinfadi wholesale food market ang mga bagong COVID-19 cases sa Beijing

Inanunsiyo ng mga awtoridad sa China na dahil sa pagkakaroong muli ng mga bagong COVID-19 cases sa Beijing ay ipinasara ang lahat ng mga paaralan doon at ang mga mag-aaral ay padadaluhin na lang sa online classes.

Imahe mula sa CGTN

Sinabi ng education commission ng Beijing sa WeChat social media account nito na dapat muling simulan na ng mga paaralan ang pagsasagawa ng online classes.

Hinihikayat rin ng local authorities ng kabisera ng China ang mga residente na iwasan muna ang hindi importanteng pagbibiyahe at ang mga residenteng naninirahan sa mga medium at high risk areas ay binawalan nang umalis o lumabas ng Beijing.

Ang mga nais lumabas ng Beijing ay dapat sumailalim at magnegatibo sa nucleic acid test pitong araw bago umalis.

“Anyone leaving Beijing must have a negative reading on a nucleic acid test taken within seven days prior to departure,” ayon kay  Chen Bei, ang deputy secretary general municipal government ng Beijing.

Inilarawan ng mga awtoridad na “extremely severe” ang situwasyon sa siyudad.

Ang muling paglitaw ng COVID-19 sa Beijing, na pinaniniwalaang nagsimula sa Xinfadi wholesale food market, ay nagbunsod ng alarma sa mga mamamayan. Umabot na sa 106 ang bagong confirmed cases ng COVID-19.

Imahe mula sa China News

Isinailalim na sa lockdown ang 30 komunidad sa siyudad at isinailalim sa COVID-10 test ang libo-libong residente.

Plano ng lokal na pamahalaan ng Beijing na ma-test din ang mga stall owners at managers sa lahat ng kanilang food markets, restaurants at government canteens.

Lahat ng sports at entertainment venues ay ipinasara na rin sa Beijing.

Source :

CGTN, ABS-CBN

Loading…