Mga rider lumusong sa mataas na tubig maihatid lang ang order ng customer

Imahe mula sa TV Patrol S. Mindanao | Dado Agonias
  • Marami ang humanga sa delivery riders na nilusong ang mataas na baha maihatid lamang ang order ng kanilang mga customer
  • Bagama’t marami ang humanga sa dedikasyon ng mga rider ay ipinaalala rin ng mga netizen na kailangan din nilang isipin ang kanilang kalusugan
  • Paalala pa ng ilan, may pamilyang naghihintay sa mga rider kaya pahalagahan din nila ang kanilang kalusugan

Literal na kahit ano ay susuungin ng mga delivery rider maihatid lang sa kanilang mga customer ang kanilang mga pangangailangan.

Imahe mula sa TV Patrol S. Mindanao | Dado Agonias

Patunay rito ang pinag-uusapan na video ng dalawang delivery rider na naglalakad sa baha maihatid lamang ang order ng kanilang mga customer.

Sabi ng TV Patrol Southern Mindanao, ihahatid ng mga rider ang inorder na pagkain ng isang customer sa Laverna Hills sa Davao City. “Ayon sa nakakuha ng video na si Dado Agonias, nasira umano ang cellphone ng isang delivery driver dahil nabasa ito sa ulan kaya hindi ma-contact ang customer,” anila.

Sa tulong ng mga taga roon ay nahanap naman ng mga rider ang kanilang customer.

Dahil sa kahanga-hangang dedikasyon sa trabaho ay maraming napahanga ang mga riders. “Naisip niya sigurong kawawa naman ‘yong nag-order, gutom na,” sabi ni J. Jucar.

Imahe mula sa TV Patrol S. Mindanao | Dado Agonias

“Commendable since [they are] willing to go beyond his duty. But riders, we do understand if hindi ninyo maihatid on time ang orders especially pag umuulan,” sabi naman ni Ella P.

Paalala naman ng isa, huwag sanang kalimutan ng mga delivery rider na mayroon silang pamilya na naghihintay sa kanilang pag-uwi.

“Salute po. Kahit anong panganib dulot ng baha ay pilit n’yo pa ring ginagawa ang trabaho mo para sa pamilya n’yo. Alam kong hindi kalakihan ang kita ng mga food courier pero nagtatrabaho pa rin kayo nang marangal para mabuhay ang inyong pamilya. Ingat palagi boss, may pamilyang naghihintay sa pag-uwi n’yo,” ani Al C.

Para kay Ibyang B., bayaning maituturing ang maraming mga ordinaryong Pilipino ngayong panahon ng pandemya. “A lot of heroes emerge during emergency situations. Salute, boss!”

Panoorin dito ang video:

Source :

Facebook

Loading…