Mga senior citizens papayagang kumain sa dine-in restaurants sa GCQ, MGCQ areas

  • Mga senior citizens puwede na kumain sa mga restaurants at fast food establishment
  • Ang dine-in services ay pinapayagan na simula sa June 15
  • Mahigpit na ipatutupad ang minimum health standard rules sa mga dine-in establishments

Hinihikayat man ang patuloy nilang pananatili sa loob ng bahay, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na papayagan na ang mga senior citizens na kumain sa mga dine-in establishments sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

“Seniors will be allowed but are highly discouraged,” pahayag ni Trade Undersecretary Ruth Castelo.

Ang polisiya ay kaugnay ng guideline na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na ang mga senior citizens (60 years old pataas) ay kailangang manatili sa loob ng bahay sa lahat ng oras, maliban na lang kung bibili ng pangangailangan o papasok sa trabaho sa mga industriyang pinayagan na ang operasyon.

Pinapayagan na ng IATF ang dine-in services simula sa Lunes, ika-15 ng Hunyo.

Ang mga dine-in services sa mga restaurants at fast food establishments sa mga GCQ areas ay hanggang 30% ng capacity lang ang papayagan, samantalang hanggang 50% capacity ang papayagan sa mga lugar nasa ilalim ng modified GCQ.

Mahigpit na ipatutupad sa mga dine-in establishments ang minimum health standard rules.

Required na magpaskil ang mga establisimyento ng mga impormasyon tungkol sa ipinatutupad na health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, social distancing, alternatibong paraan ng pagbabayad upang malimitahan ang contact sa pagitan ng customers at restaurant crew, paraan ng pag-order at iba pa.

Imahe mula sa DTI

Kailangang maglagay ng floor o foot bath na may disinfectant sa entrance ng establisimyento maliban na lang kung mayroon na nito sa entrance ng mall kung saan naroroon ang restaurant.

Kailangan ding kunin ang body temperature ng customers at mag-fill-up ng health checklist.

Bawal  pa rin ang buffet at self-service areas sa loob ng mga food establishments.

Imahe mula sa iMoney

Loading…