Michael V, inimbitahan si Matteo Guidicelli sa unboxing ng PS5 matapos ang palpak na PS4 Pro unboxing video

Screenshot mula sa unboxing video ni Michael V
  • Michael V napanood din ang unboxing video ni Matteo Guidicelli
  • Hindi nagustuhan ng mga netizens ang unboxing video ni Matteo
  • Inimbitahan ni Michael V si Matteo sa unboxing ng PS5 na hindi pa nare-release ng SONY

Isa ang komedyanteng si Michael V sa maraming nakapanood sa ‘palpak’ na unboxing video ng Playstation 4 Pro na ginawa ni Matteo Guidicelli na kinainisan ng maraming netizens.

Screenshot mula sa unboxing video ni Michael V

Nag-viral ang unboxing video ni Matteo na mayroon nang 1,479,047 views, pero sa maling dahilan.  Na-curious siguro ang marami sa mga kumalat na balita tungkol sa ginawa niyang video.

Umani ito ng libo-libong dislikes – 59,000 habang isinusulat ang istoryang ito. Maging ang pagkatao ng aktor ay hinusgahan na rin ng ilang viewers dahil sa hindi maingat ang ginawa niyang unboxing ng high-tech gaming console.

Marami ang “naloka” nang punitin niya ang protective sleeves ng PS4 Pro box kung saan mababasa ang “Please keep the sleeve for extended warranty service.”

“I just broke it sorry,” sabi niya nang mapagtanto kung ano ang nagawa niya.

“Yup I’m not good at unboxing. This is my first time, maybe later I can learn,” paliwanag pa niya at saka idinagdag na ang huling Playstation niya ay ang PS1 noong 8 years old pa lang daw siya.

Sa Instagram, may nakatutuwang mensahe ang Kapuso comedian kay Matteo. Nag-upload pa siya ng edited photo nilang dalawa at makikitang hawak ni Matteo ang box ng Playstation 5 o PS5 na kailan lang ay ipinakita ng SONY sa madla ang disenyo pero hindi pa nare-release.

Imahe mula sa Instagram account ni Michael V

“Uh Oh!  Who’s down for this? Let’s do this @matteog,” post ni Michael V.

Si Michael V, kilala bilang Bitoy sa kanyang mga tagahanga, ay isang avid toy collector. Gumagawa rin siya ng mga unboxing videos at very informative ang mga ito, kaya naikumpara ng netizens si Matteo sa komedyante.

Panoorin sa DF Balita ang unboxing video ni Matteo at panoorin ang unboxing video ni Bitoy sa ibaba:

Loading…