Mike Plania inspirasyon si Pacman sa kaniyang panalo kontra Greer

Imahe screen capture mula sa YT video
  • Inspirasyon umano ni Plania si Manny Pacquiao sa kaniyang mga laban
  • Tinalo ni Plania si Joshua Greer sa kanilang laban sa Las Vegas
  • Inaasahan niyang mababago ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang panalo

Inamin ni Mike “Magic Mike” Plania na inspirasyon niya ang ‘Pambansang Kamao’ sa kaniyang pinakahuling panalo laban kay Joshua Greer Jr., nitong nakaraang Miyerkules.

Ayon kay Plania, ilang beses na rin niyang nakita nang personal si Manny Pacquiao at ang kuwento ng boksingero mula sa General Santos City ang nagbigay ng lakas ng loob sa kaniya para sundan ang yapak ng huli sa daigdig ng boksing.

Imahe mula sa YT video

“For me, even before I started boxing my idol was Manny Pacquiao. That’s why I was encouraged to box. I want to become a world champion, too, like senator Manny Pacquiao,” wika ni Plania sa panayam ng BoxingScene.com

Sa kaniyang laban kontra kay Greer na ginanap sa MGM Grand Conference Center sa Las Vegas, dalawang beses pinatumba ng Pinoy boxer ang Amerikano.

Unang humalik sa lona si Greer nang masapol ng left hook ni Plania sa unang round. Muling tumumba si Greer sa ika-6 na round mula sa isa pa uling malakas na bitaw ng kaliwa ng 23-anyos na Pinoy.

Imahe screen shot mula sa YT video

Itinanghal na panalo isi Plania sa score na 96-92, 97-91, 94-94 (majority decision) at umaangat ang record nito sa 24-1. Ito na rin ang kaniyang ika-6 na sunod na panalo.

Samantala, pinutol din ni “Magic Mike” ang 19 sunod-sunod na panalo ni Greer na siyang kasalukuyang no. 1 sa WBO bantamweight division.

Bago pa man ang laban, ipinangako ni Plania na gagawin niya ang lahat para maging kampiyong tulad ni Pacquiao at ito nga ay kanyang napatunayan sa laban.

“He is my number one idol. For me and all people in the Philippines, Manny Pacquiao, we’re very proud of him,” wika nito.

Inaasahan naman ni Plania na ang kaniyang huling panalo ay magiging daan para mabago ang kaniyang buhay.

Panoorin ang video ng buong laban:

Loading…