Minero naging instant bilyonaryo nang mahukay ang dalawang malalaking Tanzanite stones

Imahe mula sa Bangkok Post
  • Instant billionaire ang isang small-time miner sa Tanzania nang makahukay ng dalawang malalaking Tanzanite Stones
  • Ibinenta ng minero ang mga bato sa gobyerno sa halagang 7.7 billion Shillings
  • Sabi ng eksperto sa Tanzanite stones, ang ibinayad sa minero ay maliit na bahagi lang ng tunay na halaga ng mga ito

Biglang naging bilyonaryo ang isang small-time miner sa Tanzania nang mahukay niya ang dalawang malalaking tanzanite stones.

Imahe mula sa Bangkok Post

Ang mga mahahalagang bato na ito ang pinakamalalaking gemstones na natagpuan sa Tanzania, ayon kay Mining Minister Dotto Bitek.

Nahukay ito ng 52 anyos na minerong si Saniniu Kuryan Laizer sa northern Merirani hills, na dati nang pinabakuran ni President John Magufuli noong 2018 upang masawata ang pagpupuslit ng mga naturang gemstones.

May timbang na 9.27 kilos ang isang bato at ang isa naman ay 5.1 kilos ang bigat. Ibinenta ni Laizer ang mga bato sa gobyerno sa halagang 7.7 billion Shillings o katumbas ng 3.3 million US dollars.

“Laizer is our billionaire and let us make sure that he is safe. We are now moving from a situation where the small miners were smuggling tanzanite, and now they are following the procedures and paying government taxes and royalties,” sabi ni Minister Bitek.

Planong gamitin ni lazier ang bahagi ng pera niya sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.

Imahe mula sa Tanzania Ministry of Minerals

“I plan to build a mall in Arusha and a school near my home. I thank God for this achievement because it’s the first time to get this size. When I found these, I notified government officials who valuated the stones and today they called me for payment,” masayang sambit ng minero sa magandang kapalarang dumapo sa kanya.

Sinabi ng may-ari ng Jewellers Le Vian, ang kumpanyang nakabili ng kalahati ng buong Tanzanian stones production noong dekada otsenta at nobenta, na maliit na bahagi lang ng potensyal na halaga ng mga Tanzanite stones ang ibinayad ng gobyerno kay Lazier.

Imahe mula sa Bangkok Post

“While the $3 million paid to the miner has undoubtedly changed his life forever, it is only a twentieth of the potential retail value of the gemstones he discovered,” sabi ni Eddie LeVian.

Wala namang balak ibenta ng Tanzanian government ang gemstones. Ilalagak ang mga ito sa national museum ng bansa kung saan maaari silang makita ng publiko.

Loading…