‘Miscelaneous fees’ kailangan pa rin ng ibang eskuwelahan para sa maintenance

Imahe mula sa Facebook
  • Iginiit ng samahan ng private school na maaari umanong maningil pa rin sila ng miscellaneous fee
  • Ito umano ay mapupunta sa maintenance ng eskuwelahan
  • Hiniling naman ng DepEd na maging makatuwiran ang mga private school sa kanilang sisingilin

MAYNILA, Pilipinas – Iginiit ng isang samahan ng mg pribadong paaralan na kailangan pa rin ng ilang eskuwelahan ang ‘miscelllanepus fees’ na dating sinisingil mula sa mga estudyante para may gastusin sa school maintenance.

Ayon sa CCOPEA o Coordinating Council of Private Educational Associations maaaring maniningil pa rin ng ‘miscellaneuos fee’ ang ilan sa kanilang mga miyembro ngayong darating na pasukan sa kabila ng pagbabago ng sistema mula sa dating ‘face-to-face learning’ patungong ‘online learning’.

Atty. EstradaI Imahe mula sa CNN Ph video

“For some schools, they still have to have some funding to maintain it because it is not yet fully acquired. For example, so over the years kasi ‘yan eh… It is being subject to collection of fees for students over a period of time,” paliwanag ni Atty. Joseph Noel Estrada, Managing Director ng COCOPEA.

Ganun pa man, nauunawaan umano nila na ang karamihan sa pamilyang Pilipino ay naapektuhan ang kabuhayan ngayong pandemiya kaya binawasan nila ang singil sa iba pang mga bayarin.

Ito ay matapos ang panawagan ng DepEd sa mga pribadong paaralan na maniningil nang makatuwiran lamang sa kabila ng mga reklamo ng ilang magulang na nagtaas pa umano ang bayaring tuition ng kanilang mga anak.

USec San AntonioI Imahe mula ssa DepEd Tayo Facebook

“Hindi makatwiran kung halimbawa maniningil ng laboratory fees, at hindi ka naman magpapa-laboratory dahil sa distance learning,” ani DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio. “Yung mga ganung pangongolekta ay hindi naman makatarungan na singilin pa ito.”

Hinimok din ng kagawaran na isangguni muna ng mga eskuwelahan sa mga magulang ang  anumang planong pagbabago o pagtaas sa mga sisingilin. Maaarin din umanong sumulat mismo ang mga magulang sa administration ng school para kuwestiyunin ang sobrang singil.

Kailangan lang daw maging ‘transparent’ ang mga private school sa kanilang sisingilin at titingnan din ng DepEd kung makatarungan nga ang kanilang sinisingil na bayarin sa mga magulang.

Source :

Remate, MSN, CNN Ph

Loading…