Misteryosong “UFO” sa Japan nagbunsod sa mga sari-saring ispekulasyon

Imahe mula sa Kyodo
  • Isang “UFO” ang namataan sa kalangitan ng Japan
  • Nagbunsod ng sari-saring ispekulasyon ang misteryosong UFO na tila isang hot-air balloon
  • Bigo ang Japanese authorities na ma-identify ang flying object hanggang sa maglaho na lang iyon sa kanilang paningin

Isang lumilipad na bagay na tila isang hot-air balloon ang namataan sa papawirin sa isang lugar sa Japan na nagbunsod ng sari-saring ispekulasyon kabilang na ang diumano ay pagpapakalat ng coronavirus at paghuhulog ng propaganda leaflets mula sa North Korea.

Imahe mula sa Kyodo

Ang naturang unidentified flying object (UFO) ay nakita ng mga residente ng Sendai, isang siyudad sa northern Japan, noong Miyerkules ng umaga, ika-17 ng Hunyo. Kinunan ng litrato at video ang “UFO” at ipinost ng mga residente sa social media kung saan pinagdebatehan kung ano ang bagay na kanilang nakita.

“This white thing isn’t moving at all. What is it? Can anyone tell me?” post ng isang residente sa wikang Hapones.

Sinagot naman ito ng ilan ng hashtag na “unidentified flying object.”

Palaisipan din para sa mga awtoridad ang “UFO” na tila isang weather balloon na nakakabit sa isang “crossed sticks” na mayroong propeller.

Isang opisyal ng Japan Meteorological Agency sa Miyagi Preofecture sa Sendai ang nagsabi na hindi sa kanila ang misteryosong bagay.

“The object looks like a balloon for monitoring weather, but it’s not ours. We checked with the Sendai municipal government and the Self-Defense Forces, but they have no idea either,” ayon sa opisyal.

Imahe mula sa Kyodo News

Sinabi pa nito na dakong alas-siyete ng umaga unang namataan ang “UFO”

Isang helicopter ng local police ang lumipad upang makita nang malapitan ang flying object na kulay puti ngunit bigo rin na ma-identify iyon.

Itinanggi rin ng aeronautics department ng Kyushu University na sa kanila ang flying device.

Ayon sa isang professor sa unibersidad, batay sa close-up pictures ng bagay ay mayroon iyong mga solar panels.

“It’s possible it could conduct scientific observations or monitor something,” aniya.

Hindi  nalaman ng Japanese authorities kung ano talaga ang mistery balloon hanggang sa lumipad iyon patungo sa dako ng Pacific Ocean at tuluyan nang naglaho sa kanilang paningin.

Loading…