MMDA official na sinisi ang commuters sa magulong first day ng GCQ, tinuligsa

  • MMDA GM Jojo Garcia binatikos sa insensitibong pahayag
  • Batay sa kanyang pahayag ay tila sinisi ni Garcia ang mga commuters sa magulong unang araw ng GCQ
  • Sinisi naman ng ilang senador ang DOTr dahil sa “poor planning” at “lack of foresight”

Hindi naging maayos ang unang araw ng pagbabalik-trabaho ng mga manggagawa sa Metro Manila na isinailalim sa maluwag na general community quarantine (GCQ) dahil sa kakulangan ng mga pampublikong sasakayan.

Screenshot mula sa UNTV video

Hindi na nasunod ang physical distancing sa dami ng mga commuters na nag-aabang sa iilang masasakyan. Ito ay bunsod ng desisyon ng pamahalaan na limitahan ang bilang ng mga pampublikong sasakyan sa mga pangunahing lansangan. Ang mga jeepney, UV Express at city buses ay hindi pa pinapayagang bumiyahe.

Ang marami sa mga commuters ay napilitang sumakay at magsiksikan sa mga sasakyang idineploy ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.

Sa ginawang pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager na si Jojo Garcia, tila ang mga commuters ang kanyang sinisi sa magulong unang araw ng GCQ sa Metro Manila.

Aniya, ang pagbibiyahe raw ang pinagtuunan ng mga commuters gayong alam nila na ang unang prayoridad ay kalusugan at kaligtasan. Nagkanya-kanya umano ang mga ito at nawala na ang pila nang makakita ng libreng sakay.

Imahe mula sa MMDA

Dahil sa kanyang tinuran ay marami ang bumatikos kay Garcia.

Insensitive umano ang pahayag ni Garcia, ayon kay Ariel Inton, head ng Lawyers for Commuters’ Safety and Protection. Ipinagpalagay daw ng MMDA official na bobo at matigas ang ulo ng mga commuters.

“The only reason they are outside is because we reopened so many businesses, and they would not have gone out to go to work if they had not been asked,” sabi ni Inton.

Tinuligsa rin ng abogadong si Edwin Lacierda, na spokesman noon ni dating pangulong Noynoy Aquino, ang pahayag ni Garcia.

Screenshot ng tweet ni Edwin Lacierda

“This is insensitive. Why is MMDA wading into this issue? We were in lockdown mode for more than 60 days & DOTr should have the foresight to plan ahead but did not. The people’s focus is putting food on the table for their families. Finding public transport is not,” aniya.

Sabi naman ng human rights lawyer na si Chel Diokno: “’Wag n’yo ipasa sa taumbayan ang pagkukulang n’yo sa plano. You had 77 days to prepare, inuna n’yo pa ang mga nagpo-post sa FB at Anti-Terror Bill. Tapos sisisihin ang masa? Kayo ang problema, hindi sila. ‘Pag maayos ang sistema, may disiplina. ‘Pag malinaw ang plano, susunod ang tao.”

Screenshot ng tweet ni Chel Diokno

Sinisi naman ng ilang senador ang Department of Transportation. Ang kalbaryong dinanas ng mga pasahero ay bunga umano ng “poor planning” at “lack of foresight” ng ahensya.

Source :

MSN, Inquirer, Abogado

Loading…