Modified number coding scheme ipatutupad ng MMDA simula June 8, 2020

  • Simula sa Lunes, ika-8 ng hunyo, ay ipatutupad na ang modified number coding scheme
  • Kahit coding day ng sasakyan ay papayagang makabiyahe kapag may dalawa o higit pang pasahero, kabilang ang driver
  • Exempted sa modified number coding scheme ang mga APOR at health workers kaya anumang araw ay maaari silang bumiyahe kahit nag-iisa sa sasakyan

Simula sa Lunes, ika-8 ng Hunyo, ay ipatutupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang modified unified vehicular volume reduction program o modified number coding scheme sa buong Metro Manila.

Imahe mula sa MMDA

Sa ilalim ng modified number coding scheme, ang lahat ng mga pribadong sasakyan ay papayagang bumiyahe sa Metro Manila anumang araw kapag mayroon itong dalawa o mahigit pang pasahero, kabilang na ang driver.

Ang ibig sabihin nito ay kahit matapat sa coding day ang last digit ng plate number ng sasakyang minamaneho ay papayagang makabiyahe kapag hindi bababa sa dalawa ang nakasakay sa behikulo, kabilang ang nagmamaneho.

Hindi papayagan sa coding day kung isa lang (driver lang) ang sakay ng sasakyan.

Subalit, batay sa MMDA Regulation 2020-001 series of 2020  ay awtomatikong exempted sa modified number coding scheme ang mga authorized persons outside of residence (APOR) na espesipikong nakalista sa IATF guidelines at mga health workers tulad ng doktor, nurses at iba pang medical professionals.

Ang ibig sabihin ng exemption na ito ay kahit mag-isang nagmamaneho ng sasakyan ang APOR o health worker ay papayagan ito sa Metro Manila kahit sa araw ng coding ng sasakyang ginagamit.

Imahe mula sa MMDA

Ang mga nagmamaneho ng transport network vehicle service (TNVS) ay kailangang maglagay ng signage upang makilala bilang TNVS.

Required sa lahat ng mga sasakyan ang physical distancing at pagsusuot ng face mask ng mga pasahero.

Ang bagong MMDA regulation na ito ay inaprubahan ng Metro Manila Council na binubuo ng 15 mayor sa buong Metro Manila sa pamamagitan ng video conference noong ika-26 ng Mayo.

Imahe mula sa MMDA

Loading…