Modified quarantine pass required sa Cavite; transferable sa qualified na kasama sa bahay

  • Bagong quarantine pass system ipatutupad sa buong Cavite simula sa June 7, 2020
  • Ang bagong sistema ay tinatawag na modified quarantine pass system
  • Sa ilalim ng bagong sistema, ang quarantine pass ay maaaring gamitin ng lahat ng household member na qualified at nasa tamang edad

Hindi na kailangan ang quarantine pass matapos luwagan ng pamahalaan ang community quarantine protocols sa buong bansa, ngunit sa Cavite ay required pa rin ito.

Screenshot mula sa video ng Net25

Maaalalang ipinahayag ni Secretary Eduardo Año na hindi na kailangan ang quarantine pass sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ simula June 1. Ang Cavite ay nasa GCQ na noon pang May 16.

Ayan sa statement na inilabas ni Cavite Governor Jonvic Remulla, humingi siya ng permiso sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na panatilihin sa probinsya ang quarantine pass system, ngunit may kaunting pagbabagong gagawin sa sistema.

“Marami po akong nabasa sa mga comments ukol sa policy natin sa Q-pass. May gusto na mawalang bisa. May gusto na manatili. Ako po ay kumausap sa mga ilang myembro ng IATF at nagpaalam sa mga adjustment na ating gagawin ukol sa Q-pass system ng Cavite,” anang gobernador.

Sisimulan ang pagpapatupad  ng modified quarantine pass system sa ika-7 ng Hunyo. Sa ilalimng bagong sistema ay hindi lang isang miyembro ng household ang puwedeng gumamit ng pass. Transferrable ito sa iba pang kapamilya na kwalipikado.

Screenshot mula sa video ng Net25

“Mula June 7, 2020, 5 a.m., ay may modified Q-pass system na tayo. Transferable na po ang Q-pass system within the same household. Ibig sabihin, kapag qualified and of age ang kasama sa bahay ay puwede na ipagamit sa kasama sa bahay. Magdala na lang ng ID na patunay na magkasama sa isang bahay,” ani Gov. Remulla.

Ang curfew hours na 8 p.m. hanggang 5 a.m. ay patuloy pa ring ipinatutupad sa Cavite.

Sinabi pa ng gobernador na muling magkakaroon ng mga pagbabago sa patakaran ng probinsya kapag isinailalim na ito sa Modified GCQ; ang transition phase mula GCQ patungo sa “new normal.”

Para sa mas maigting na pag-iingat laban sa COVID-19, ang payo ni Governor Remulla ay ituring ang sinuman bilang isang COVID-19 suspect.

Screenshot ng Facebook post ni Gov. Jonvic Remulla

Loading…