My MVP Valentine: Natatandaan mo pa ba ang Asianovela na ipinangtapat ng GMA noon sa F4 ng Meteor Garden?

  • My MVP Valentine ang unang Asianovela na napanood sa GMA Network noong 2003
  • Pantapat nila ito sa sikat na sikat na Meteor Garden na unang umere naman sa ABS-CBN
  • Hindi man nito napantayan ang tagumpay ng F4 series, nakaani rin naman ng fans ang nasabing serye

Noong 2003 ay literal na nayanig ang mundo ng mga Pinoy viewers nang dumating sa bansa ang kauna-unahang Asianovela mula sa bansang Taiwan. Kahit nasa panghapong timeslot, nakuha ng Meteor Garden ang kiliti ng mga manonood at naging highest rating show ng taong iyon.

At dahil sa ABS-CBN unang napanood ang Meteor Garden, naging suliranin ng kalabang GMA Network ang itatapat na programa. Ang naging sagot nila, isa ring Asianovela mula sa Taiwan na pinagbibidahan din ng isang boy group na tinawag na 5566—ang My MVP Valentine.

Larawan mula sa YouTube

Sinariwa ng official Facebook page ng GMA Asianovelas na The Heart of Asia ang pag-ere nila ng My MVP Valentine, 17 taon na ang nakararaan. Nag-post sila ng video ng isa sa mga naging teaser plug ng Kapuso network sa pagdating ng una nilang Asianovela.

Bagaman nananatiling top rater ang Meteor Garden kompara sa My MVP Valentine, nakakuha rin naman ng fans ang nasabing serye dahil sa plot nito. Maliban kasi sa pag-iibigan ng mga bida, umikot din ang istorya sa landas ng mga varsity player.

“Naaalala niyo pa ba ang kauna-unahang Asianovela na ipinalabas sa GMA Network? Ang My MVP Valentine na ipinalabas noong 2003. Sentro dito ang kuwento ng mga magkakaibigan na may iisang hilig at pangarap— ang basketball. Subalit masisira ang kanilang samahan dahil iibig si Duan Chen Feng at William sa iisang babae, si Xiao Xi,” saad ng post.

Agad namang nag-feeling nostalgic ang mga naging fans ng 5566 sa bansa. Aminado ang ilan na nanonood sila ng serye ng F4 ngunit nililipat-lipat din nila sa GMA para naman mapanood ang 5566. Ang ilan nga ay bumili pa ng album nila.

Larawan mula sa Facebook

Napa-thr0wback din ang mga netizen sa opening song ng My MVP Valentine na Doesn’t Matter o Wu Sou Wei. Na-LSS din daw sila sa kantang ito kahit mas sumikat talaga noon ang mga awitin ng boyband mula sa Meteor Garden.

“Ay oo! Na-remember ko na during my first year high school… MVP Valentine! Nice ang OST niyan,” pahayag ng isang netizen.

Panoorin ang clip mula sa seryeng ito:

Loading…